"Jose, anong ireregalo mo pagdating ng kaarawan ng iyong itay?" tanong ng tisoy na may pilak na buhok, narinig ko pero hindi ako sumagot.
"Jose?" ulit nito.
"Ha?, sorry hindi kita narinig," sagot ko.
"Sabi ko di ba malapit na ang bertdey ng itay mo? Naalala ko kasi noong inimbitahan mo ako na pumunta sa bahay ninyo noong nakaraang taon."
"Ah, Oo, hindi ko pa alam, marami tayong tinatrabaho ngayong linggo kaya hindi ko na pansin na malapit na ang kaarawan ni itay," sagot ko na parang iniiwasan ang tungkol dito.
"Sabihin mo na lang kung bibili ka na at sasabay na rin ako sa iyo." sagot nito sabay umalis saking paningin.
Sa totoo matagal ko ng iniisip ang tungkol dito. Nagsinungaling ako kay Pol sa tanong niya kanina. Matagal ng bumubulabog sa aking isipan ang padating na kaarawan ni itay. Isang linggo na lang. Pitong araw ko na lang siya makakasama o mas kaunti pa sa dami ng trabaho. Sa darating na bertdey magiging 65 na siya.
65.
Masyadong maikli ang panahon para mawalay ako sa kanya. Hindi ko sinabi kay Pol ang tunay na edad ni itay tiyak siguradong iba ang magiging reaksyon nito. Natatakot ako at wala na kong magagawa pagsapit ng araw na iyon. Maraming taon na ang nakalipas ng kausapin ako ni itay tungkol sa kanyang ika-65 na kaarawan. Dadakpin na siya ng gobyerno at ilalayo sa kanyang pamilya kung hindi siya sumunod mapapahamak naman ang kanyang pamilya. Hindi raw niya kaya tanggapin na isakprisyo ang pamilya para lang sa kanya. Kahit patong-patong pa ang trabaho na dapat kong gawin isa lang palagi ang nasa loob ng aking utak. Ang RA 32501.
Bumalik ako sa ginagawang trabaho sa kompyuter. Kailangan ng maipasa ito bago ang dedlayn mamayang hapon. Kakatapos lang ng lunch break at may apat na oras pa ako para gawin ito. Isa akong manunulat o mamahayag sa online bullettin ng gobyerno na www.gobyernobalita.ph. Sampung taon na ako rito nakikipagsabayan sa malalaking diyaryo, telebisyon at iba pang online news bullettin pero kami ang isa sa mga opisyal na nagpapahayag ng mga isyu galing mismo sa palasyo. Tiningnan ko ang blankong screen inilagay ang pamagat na "Mga Ekonomista Nagpulong para sa Bansa" ni Jose Sampaloc. Tumayo muna ako at nagsimulang maglakad papunta sa CR dahil kanina pang nalalamigan ang kalbo kong ulo.
Katamtamang tangkad ng Filipino si Jose, medyo may taba sa tiyan, maitim ang balbas, at may peklat sa leeg na parang sungay ng kalabaw. Kahit pa man kalbo siya hindi pinapakita ng mga katrabaho na mayabang ang dating niya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawang artikulo na lalabas sa gabing bersiyon ng 'Gobalita'. Tapat ako sa serbisyo ko sa gobyerno, pinapanatili na walang pagkiling at diretso sa pagpapahayag. Kaya siguro palaging madaling tanggapin ng publiko ang inilalabas namin na mga balita. Maraming nagsasabi na hawak kami ng gobyerno pero pinababayaan naman kami na magpahayag ng malaya maliban lang sa pagkontra sa ibang malalaking isyu. Isang dekada ang nakalipas ng may malaking isyu ang lumabas ng nagsisimula pa lamang ako sa 'Gobalita'. Inilabas ang Republic Act No. 32501 o tinatawag ng mga mamayan na "Geriatric Kidnapping". Nakasaad sa polisiyang ito ang pagkuha ng gobyerno ng mga mamayan sa edad na 65 dahil hindi na sila produktibo at nakakabagal ng pag-unlad ng bansa. Kaya hindi ko maialis sa isipan ang sasapitin ng aking itay isang linggo na lang mula ngayong araw. Nangatog ang bituka ko sa pag-iisip nito. Maraming grupong Human Rights ang kumontra rito at marami rin ang namatay sa pagtatangol sa kanilang mga kamag-anak. Hindi maganda ang unang taon ng implementasiyon ng polisiya na ito pero hindi rin natinag ang gobyerno sa pagbasura nito. Unti-unting tumahimik ang mga grupo at mapait na tinanggap naman ng bawat pamilya ang sasapitin ng kamag-anak pagdating sa edad na 65. Wala sa aming grupo ang nagsalita laban dito. Wala rin namang nagsulat tungkol dito kundi ang opisyal na diyaryo ng gobyerno. Naalala ko pa ang headlayn: "RA 32501 to be implemented today". Nilihis ko ang pagalala nito at tinapos ang aking ginagawa. Ilang oras na lang makakauwi na rin ako. May paraan kaya para hindi dakpin ang aking ama?
Iniisip ko ito sa dalawang oras na trapik na sumalubong sa aking pag-uwi. Nakaramdam ng antok, pagod, gutom, lamig ng erkon, at naririnig ang mabagal na kanta sa radyo habang lumulutang ang utak sa sariling palaisipan kung may butas sa RA 32501. Dumating ako sa aking munting condo, studio type, tipikal na tirahan ng isang nag-iisa sa buhay. Matagal na ako nawalan ng ina, wala akong kapatid at si itay na lang ang pinakadugo ko. May natirang ulam sa ref at ito ang lalumin ngayong gabi.
Busog ang tiyan ni Jose at nagtungo siya sa kanyang kompyuter tebol na gawa sa narra. Makinis ang karayagan nito at matibay ang pagkakagawa.
Umupo ako sa silyang balat at malambot, binuksan ang laptop at binuksan ang programmang Contacts Manager. Naghahanap ako ng tao na makakatulong sa akin tungkol sa RA 32501 dahil mamahayag ako ng gobyerno marami akong kakilala. Sa pagmamasid ko sa mga pangalang gumagapang pababa napatigil ako sa isang pangalan. Isang beses ko pa lang siya nakilala. Ininterbyu ko siya tungkol sa krisis ng enerhiya sa Pilipinas. Hindi siya sang-ayon noon sa mga bagong patakaran ng Kagawaran ng Enerhiya at nagbitiw siya sa kanyang puwesto. Siya si Cesar Mahna. Dating mataas na tauhan ng kalihim. Siya ang ininterbyu ko dahil wala ang kalihim ng mga panahon na iyon. Baka may alam siya tungkol dito sa RA 32501.
Bakit siya sa lahat ng kakilala ko? Dahil siya lang ang pinakamalapit sa edad na 65 kung tama ang profile na nailagay ko. Sinulat ko ang numero niya sa isang papel at nagretiro na sa gabi bukas ko na lang siya tatawagan.
Tirik na ang araw at nararamdaman na ni Jose na umaga na. Naririnig na niya ang mga bosina ng kotse, naamoy ang usok na nangagaling sa automatic kettle. Bumangon siya at masakit ang katawan, nag-unat para magising lalo at naghilamos sa lababo. Kinuha niya ang takure at isinalin ang mainit na tubig sa tasa para makapagtsaa.
Pagkatapos uminom ng tsaa kinuha niya ang handset sa telepono at nagsimula mag-dayal.
"Hello, Good Morning, ito ba ang bahay ni Mr. Cesar Mahna." sabi ko ng maligalig.
"Oo, siya nga, sino sila?" sagot ng isang magaspang na boses ng lalake.
"Si Jose Sampaloc po ito ng gobalita, nandiyan po ba siya?" sagot at tanong ko ulit.
"Ah, Mr. sampaloc parang naalala kita, ano ang mapaglilingkod ko sa iyo?" sabi ni Cesar Mahna.
"Mr. Cesar, kayo po pala iyan, akala ko hindi niyo ako naalala, gusto ko lang sana magtanong sa inyo, kung mararapatin niyo po" dahan-dahan kong sinabi.
"Sige, walang problema tungkol saan ba ito?" tanong ni Mahna.
"Alam po naman natin lahat ang RA 32501, pero tatanungin ko po kayo bilang isang abogado at opisyal ng DOE kung may lusot o makakaiwas dito." sabi ko kahit alam kong nagbitaw na siya ng posisyon sa kagawaran.
"Tama na abogado ako pero hindi na ako opisyal ng DOE, matagal na akong umalis sa posisyon ko. Wala akong ibang maiimungkahi sa RA 32501 kundi isa itong kalabastugan ng gobyerno na inaaprubahan ng DOE noong nandoon pa ako." sagot ni Mahna ng malakas at matapat.
"Inaprubahan ng DOE? Diba ang DOST at DSWD ang gumawa ng batas na ito?" nagtataka kong tinanong sa kanya.
"Oo, pero kakaunti lang ang nakakalaman ng bagay na iyan, noong nasa DOE pa ako ng malaman ito pero hindi ito bagay na dapat pag-usapan sa telepono. Maraming nakikinig na maladuwende ang tainga, magkita tayo sa isang pampublikong lugar at ipapaliwanag ko sa iyo. Alam mo ba kung saan ang dating Luneta Park? doon tayo magkita." sabi nito sa akin na walang takot at pagalinlangan na parang matagal na kaming magkakilala.
"Opo sir, alam ko kung nasaan. Maghihintay po ako." sagot ko at nagpaalam kami sa isa't isa na magkikita pagkatapos ng isang oras.
Pumunta ako kung saan dati nakatayo ang monumento ni Jose Rizal ang pambansang bayani. Pinasabog ito ng mga ralliyista na kumukontra sa pagpapalakad ng nakaraang gobyerno. Patag na konkreto na lang ang makikita, nagmistulang isang malaking paradahan ito sa mga bumibisita sa kalapit na bagong tayong Freedom Park. Pinarada ko ang aking kotse at lumabas. Lumipas ang sampung minuto ng nakita ko ang padating na pulang kotse. Pumarada ito sa isang bakanteng islot. Bumaba ang panot at may puting buhok na maliit na lalaki. Makikita sa kanyang mukha ang guhit ng pagtanda. Siya si Cesar Mahna sa aking pagkakilala.
Lumapit si Jose sa kanya hindi niya nahalata ang dala-dalang folder sa kanang kamay ni Cesar.
"Mr. Cesar Mahna," sabi ko at sabay inalok ang kanang kamay.
"Ah, Mr. Sampaloc." hindi niya pinansin ang aking kamay at tinuro na doon kami maglakad sa may park.
"Marahil nagtataka ka at bakit dito ko gusto makipagkita, simbolo ng paglaya si Jose Rizal, simbolo ng pagiging manunulat na hindi takot na lumaban sa awtoridad.
Maraming kontrobersiya ang bumabalot sa hindi pagtayo muli ng monumento niya, nawala na daw ang bisa ng kanyang pagkabayani kaya binasura ng gobyerno ang pagpapatayo ng bagong monumento.
Ngayon sa iyong tinatanong. Isang dekada na ang nakalipas at lumubas ang RA 32501 o ang batas na pagkuha ng matatanda. Alam ko kung bakit ako ang napili mong tanungin dito kahit hindi ako bihasang abogado o kaibigan man lang na makikipagtiwalaan sa loob ng gobyerno. Tinanong mo ako dahil malapit na ako dumating sa edad na 65, tama ba ako?" tanong niya sa akin.
"Opo, ser." sagot ko ng mahinahon. "Pero gusto ko rin naman po talaga malaman ang tungkol dito dahil wala ng bumabatikos nito ngayon kahit napakaselan ang polisiyang ito." dagdag ko.
"Tunay na maselan ang bagay na ito. Malaking problema ang dinulot nito sa gabinete ng gobyerno. Nagkaroon ng botohan sa mga kalihim sa pagpapasa nito bago pa man ito maprubahan ng pangulo. Hati ang botohan at natira ang DOE bilang babasag sa tabla na ito. Sumangayon sila dahil isa sila sa mga gumawa at nangampanya rito pero walang alam ang ibang kalihim doon. Sagot daw ito sa krisis ng enerhiya. Sagot daw ito sa problema ng pagbibigay kuryente sa mga mamayan. Lihim sa mga mamayan unti-unti nilang ginawa ang isang pasilidad sa Mindanao. Kasama ang DOST at DPWH, pinalibutan nila ito ng mataas na pader,kuryenteng bakod, at militar na magroronda. Kaya walang may-alam kung ano ang nasa loob nito. Noong nasa opisina pa ako ng DOE nakatanggap ako ng dokumento kung ano ang silbi ng pasilidad na ito. Magiging bagong tirahan daw ito ng mga matatanda. Kung tirahan ito ng matatanda bakit nila kailangan bantayan ng ganon katindi. Nang maprubahan ang batas naisama ito sa bilang isang instituto na magsisilbing bagong teritoryo o tirahan para sa matanda lamang. Naglabas ng survey ang DOST kasama ang DSWD na pagsapit sa edad na 65 huhihina ang pagiging produktibo ng isang indibidwal. Maapektuhan ang ekonomiya, dagdag lang ito sa mga mamayan na hindi nagtratrabaho kundi nagpapahirap lamang. Dahil sa mga konsumisyon na palagi silang alalayan, gamutin kung may sakit, pakainin, paglaanan ng sayang na oras, enerhiya, at pagkukunan ng pangangailangan. Sa mata ng gobyerno tama ito at tiyak na maibaba ang krisis sa enerhiya at ekonomiya. Kahit pa man alam nila na magagalit ang taong bayan dito at tutol ang simbahan. Ito lang ang paraan para makaligtas ang bansa." paliwanag niya sa akin ng masinsinan at tuloy-tuloy.
"Kung gayon ano ba talaga ang nasa loob ng pasilidad na iyon at nasasakop din niya ang malaking bahagi ng Mindanao?" tanong ko kaagad, mabilis na tumitibok ang aking puso.
"Walang nakakalaam, pinapaniwalaan lang na doon dinadala ang mga matatanda. May pumapasok din dito na mga duktor, nars, pero sa palagay namin isang pagtatakip lang ito sa tunay na nangyayari sa loob." sagot ni Mahna.
"Ibibigay ko sa iyo ang mga dokumentong ito. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa RA 32501. Pag-iingatan mo ito. Walang may alam na hawak ko itong impormasyon na ito. Wala na rin akong pag-iiwanan na iba pa. Mabuti na at nasa kamay mo ito. Itanim mo sa iyong isipan walang sikretong hindi natutuklasan." dagdag nito pagkatapos inabot ang parihaba na plastik folder sa akin. Kinuha ko ito at sinabing "Huwag po kayong mag-alala at mag-iingat ako." "Kailangan ko ng umalis masyado ng matagal ang pinalagi ko rito." sabi ni Mahna.
Sabay silang naglakad patungo sa paradahan. Mahigit sampung kotse ang pagitan ng kanilang mga sasakyan. Naunang sumakay si Mahna sa kanyang kotse. Naglalakad si Jose ngayon patungo sa kanyang sariling sasakyan, narinig niya ang pamilyar na tunog ng nagstart na kotse at isang malakas na pagsabog ang narinig niya pagkatapos. Mainit na dumampi sa batok niya ang usok mula sa nagliliyab na kotse. Nakita niyang tumilapon ito ng ilang talampakan mula sa ere sa kanyang paglingon. Kulay apoy, nagbabagang, pumipitik na siga ang sumalubong sa kanya sa pagbagsak ng kotse. Tumakbo siya sa malayo alam niya magkakaroon ng epektong domino ang mga kotseng katabi nito. Hawak pa rin ng mahigpit ang folder, nagmadaling tumakbo si Jose.
"Putsa! Mahna!" hindi ko marinig ang aking sigaw sa muling pagsabog ng kotse ni Mahna. Siguradong walang makakaligtas sa pagsabog na iyon. Warak na warak ang kotse na parang inuluwa ito mula sa impyerno. Nagmadali akong pumunta sa aking kotse maya maya sasabog na rin ang iba pang sasakyan. Teka lang sabi ko sa aking sarili kung may gustong pumatay kay Mahna at nagtagumpay siya tiyak na nakita nila na nag-usap kami. Dumapa siya at sinilip ang ilalim ng kotse. Walang nakakabit na aparato dito na masasabing bomba. Binuksan ko ang pinto, hinatak ang itim na switch para mabuksan ang hood ng kotse. Tinangnan ko ito ng mabuti at wala namang pagbabago. Narinig ko sa malayo ang mga sirena ng bumbero. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito. Delikado at masangkot pa ako rito. Sangkot na nga naman talaga pero kailangan hindi ako makita ng awtoridad. Anim na araw na lang bago ang kaarawan ni itay. Kailangan ko matuklasan kung ano ang sikreto ng gobyerno.
Inilapag niya ang folder sa upuan na bakante. Pinapawisan at umuubo sa usok ng pagsabog dali-dali siyang umalis sa dating Luneta Park. Madaling inapakan ni Jose ang mabigat na pedal ng 7-taong umuugod na kotseng pilak. Matagal bago niya napansin ang pawis na dumudulas mula sa kanyang ulo kahit pa man nakatodo ang aircon. Dumating siya sa kanyang munting kondo sa dulo ng kalsadang tahimik. Mabilis niya tinahak ang hagdan papunta sa ika-apat na palapag ng kondong tinitirhan. Ayaw niya gamitin ang elevator at baka may makakita o naghihintay sa kanya sa lobby na hindi niya alam.
[kasalukuyang ginagawa]
filipino science fiction