Isang blog nagbibigay kulay sa mundo ng science fiction gamit ang maiikling kuwento na kesa sa wikang Filipino o Ingles.

20050902

Isla Buko

Paralisado ang mundo sa kakulangan ng tanim, prutas, at ano pang halaman na mapagkukuhanan ng pangangailangan. Umaasa na lang sila sa mga likha ng food cloner na gumagamit ng taste enhancers at food molders para maihugis at mailasa ang lumalabas na nakakain na rubber. Nakalagay kasi ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga prutas at tanim ng mundo sa iisang kompyuter at ito ang pinagkukuhanan upang makagawa ng organikal na pagkain para sa buong mundo.

Likas na magaling magpangalaga ang mga Filipino sa isang isla malapit sa Old Visayas nakatalaga ang Island of Preservation of Coconuts o Isla Buko. Itinuturing ito ang natatanging halaman at puno na nakatindig sa mukha ng planeta. Naubos na lahat ng mga tao ang natural na puno at hindi man lang naisipan palitan ito sa bawat pagkuha. Nakapalibot sa isla ang malaking bakod na may mataas na voltahe ng kuryenteng nuklear at dalawang malaki animong parang pinagtambal na Anfiteatro Flavio ng Rome at ang Araneta Superdome ang nasa gitna nito. Sa loob makikita ang gubat ng buko, artipisyal na araw at ulan. Nagsisimula na ring silang mageksperimento sa lupa sa labas ng pasilidad. Pinamamahalaan nito ni Dr. Jopet Lasa isang dalubhasang sayentipiko at ilang eksperto sa buko. Mataas din ang seguridad dito dahil maraming bansa ang gustong makuha ang islang ito. Ilang kalapit na bansa ang nagpresenta ng karagdagan na proteksyon sa pangakong may kapalit na ilang puno ng buko. Patakaran ng isla na ito na walang ilalabas na halaman o puno kaya wala silang magawa kundi tumanggi. Hindi nasisilaw sa pera o ano mang kayamanan ang puwedeng maging lagay sa pagbibigay ng puno o impormasyon sa loob. Tapat sa kanilang tungkulin na maipreserba para sa kinabukasan ang halamang buko. Idineklara rin ng gobyerno na isang hiwalay na estado ang Isla na mayroong 25,000 na residente. Protektado ang kapaligiran nito ng sundalo ng Pilipinas at ng Universal Nations.

Marami rami na rin ang nagtangkang pasuking ang pasilidad ng Isla Buko. Taglay nito ang pinakanatural na puno at bunga sa buong mundo. Nagtitiis ang ibang bansa sa food cloners at organic manipulators sa madaling salita gutom o hindi pa nakakain ng natural na pagkain ang mundo. Isa sa mga naghahangad na manakop ang Taiwan, ilang beses na silang nagbigay ng proposisyon upang protektahan ang Isla pero tinanggihan lang ito ng gobyerno at ng isla. Desperado silang makakuha ng kahit isang puno para gamitin sa kanilang riserts at mapanghawakan ito. Protektado ng mga batas ng Universal Nations ang Isla Buko kaya walang bansa ang gustong sapilitang sakupin ang Isla.

Kahit may maliit na gubat na sa loob ng isla naturing napakababa pa rin ng produksiyon nito dahil sa mga artipisyal na araw at ulan. Masuwerte ang bansang Pilipinas dahil kalahati sa mga mamamayan ang nakakain ng buko at nagagamit ang iba't ibang produkto na magagawa rito. Ito ang dahilan ng mabilis ng pagdami sa bagong kapitolyo sa Cebu pagkatapos lumubog na buong Luzon dulot ng malakas na tsunami. Lumalaki ang populasyon ng bansa na banyaga kaya pinahintulutan ang lahat na dumadating na hovercraft mula sa ibang bansa. Nagmistulang Coconut Country ang tawag sa Pilipinas at tumaas ang pangangailangan ng buko. Dumating ang balitang ito sa Isla na negatibo. Kulang ang mga puno para makatapat sa demands ng taong mundo. Nagkarelusyon ang pasilidad na paikliin ang produksiyon at pumokus sa riserts kung paano papalakahin at pabilisin ang pag-aani. Naglabas ng press release ang Isla galing kay Dr. Lasa. "Hindi kami natatakot at titinag sa mga bansang gusto kaming sakupin. Protektado kami ng batas ng mundo at wala kaming itinatago o ipinagdadamot sa mundo."

Narinig ang boses ni Lasa sa buong mundo, marami ang nakaramdam ng galit at pagkainggit sa mga binitiwang mungkahi. Nadama ito lalo ng mga karatig na bansa na hindi nabibigyan ng kahit anong produktong lumalabas sa isla. Nagsanib ng lakas ang Taiwan, Indo Guinea, Chipan, at Soviet India sa pagsakop sa isla. Ipinatupad noong 2124 ang No-War Act Policy. Ibinabasura nito ang lahat ng pagpapalas ng militar at armas ng isang bansa. Limitado ang bawat bansa na magsaliksik ng bagong teknoloji sa armas at nakataling ang kanilang kamay sa likod sa pagkuha ng mga sundalo. Ngunit sa mga bansang nasabi nagpapalakas sila ng puwersa para sa aksiyon na gagawin nila bago matapos ang taon. Naniniwala ang bagong tatag na Hunger-Free Earth na tama ang ginagawang hakbang ng mga militanteng bansa para magkaroon ng paghahati sa pangangailangan ng buko.

Binalaan ng UN ang mga bansa nagtatangka sa Isla Buko na ibaba ang kanilang armas. Hindi nakinig ang mga bansa at bago pa man matapos ang taon nagsimula sila magalaw ng tao at magsanib ng puwersa. Sumali rin ang Kingdom of Saudi East, Germania, at English Scandanavian na mga bansa sa pagsanib na pagkuha ng napakaliit na isla. Naglabas ng pinal na babala ang UN at binantaan ang kanilang mga bansa na matanggal ang akreditasyon mula sa organisasyon. Walang pumansin sa UN at sa bansang Soviet India nagtagpo ang lahat ng hovertanks, robot at human infantry, hoverbattle crafts, gravity shield tanks, sonar jets at bombers at nuclear mobile silos. Nagtataka ngayon ang Isla Buko kung ano ang gagawin nila. Bakit nanghuhumaling ang buong mundo sa kakaparisong lupa na may tanim. Alam naman nila na hindi ito mabubuhay sa labas ng coliseum at ng Isla. Ito ang pinaka mabunga at matabang lupa na natitira sa mundo. Ginagawan naman ng paraan ng Isla na makipagbigay sa lahat pero hindi puwede at maaubos ito ng walang isang taon.

Naging kasunduan na sa pagitan ng UN at ng Pilipinas ang pagpreserba ng bansa at ng isla sa mga mananakop o agresibong namimilit isuko ang Isla. Nagmobilisa rin ang UN at nilikom ang mga bansang boluntaryong magprotekta sa Isla Buko. Sumang-ayon ang karatig na bansang Kaharian ng Brunei, South American States of Mexico at Ice Countries sa South at North Pole. Naging tahimik naman ang dating malaking kaalyansa ng Pilipinas ang Union of American and Canadian States Republic. Nagkikita sa New Mindanao ang mga bansa kasama ang kanilang nalikom na armas. Mas kaunti ang armas nila dahil sumunod sila sa No-War Act Policy ng UN pero kahit papaano nakakuha sila na sapat sa bawat sundalo.

Istelmeyt pagdating ng buwan ng Disyembre. Naghihintayan ng galaw ang bawat panig habang tuloy naman ang buhay sa loob ng Isla Buko. Tikom ang kanilang mga dila sa isa't isa at mataas ang tensiyon sa bawat kompetisyon labas sa pakikipagdigma. Nagsimulang gumalaw ang pangkat Hunger-Free Earth sa iba pang bansa upang sumali sa rebolusyon na magbabago sa kagutuman sa mundo. Nagbigay sila ng ultimatum sa Isla Buko at Pilipinas. Isuko niyo ang inyong mga puno at walang masasaktan kung hindi mapipilitan kaming sumugod mayroong kayong 48 na oras para magdesisyon.

-General Santos, unang bahagi ng Ang Digmaang Buko.

No comments: