Mahina ang kita ngayong sa karinderya, kaunti ang dagsa ng kumakain at may nakakatakot na katahimikan na bumabalot sa lansangan. Naglabas ng babala ang gobyerno ukol sa pagpasok ng ilang mga pampalawakan na pirata sa lugar kung saan malapit ang karindeya ni Aling Beth.
"Mataumal ang negosyo ngayon anak, sa isang linggo na lang kita papadalan," sabi ni Beth sa kanyang anak gamit ang teleponong bidyo. "Sige po, Nay, hindi nagmamadali dito na magbayad," sagot ng anak sa maliit na iskrin. "Mag-ingat ka anak at palaging huwag pabayaan ang kalusugan." sabi nito sa anak na nag-aalala. Biglang naputol ang linya at naging itim ang iskrin ng bidyo. Naramdaman ni Beth na nawalan na kuryente sa kabuaan ng kanyang karinderya.
Madilim ang paligid sa labas. Matatanaw lang sa malayo ang ilaw ng spaceport na may hiwalay ang kuryente sa grid ng siyudad. Dahil sa dilim hindi gaanon makakita si Beth buhat na rin sa katandaan lumalabo na ang mga mata. Sinarado na niya kanina pa ang karinderya at pinauwi ang mga tauhan pero parang may pumipilit magbukas ng pintuan. Wala nga palang kuryente kaya hindi gumagana ang electronic bolt locks at isang bakal na harang lang na iniligay ng android ang humaharang dito. Dali-dali si Beth na tumakbo sa likuran ng kanyang karinderya. Kinuha ang isang mahaba na bakal na parang rehas at tinarangka sa pintuan sa likuran. Kahit papaano mapipigilan nito ang pagpasok ng kung sino man.
Hindi nagtagal at narinig na ni Beth ang mga malalakas ng pagdarambong sa pintuan sa harapan. Wala pa ring kuryente at siguradong hindi gagana ang seguridad na nakakabit lahat sa kompyuter na namatay kanina pa. Pumwesto si Beth sa ibaba ng lababo na nagsisilbing hugasan at sterilizer ng kusina. Blag. Blag. Bumigay na ang pintuan. Nakarinig siya ng maraming yapak ng mabibigat na paa. Nakarinig din siya ng mga yapak na parang bakal at gumugulong na aparato. Sinarado niya ang pintuan sa ilalim ng lababo at nagtalukbong ng itim na basahan.
Kahit nakatago sa ilalim ng makapal na basahan narinig pa rin ng matatalas na tainga ni Beth ang pagkalampag ng pintuan sa harap at pagsara nito muli. Kasabay nito ang mahihinang boses na palakas ng palakas na papalapit kung nasaan siya. Marahil papunta na sila sa kusina isip ni Beth. Tinatagan niya ang kanyang loob at sinubukang huwag gumawa ng kahit anong ingay at ikalma ang sarili para hindi mahalata ang init ng katawan.
"Mabuti at walang tao, magaling ang pag-pili mo ng puwesto Pol." sabi ng isang lalaki. "Salamat, ka-Jo at pumayag ka sa aking plano sagot ng isa. Kailangan natin makaalis na sa Milky Way pero may isa pa tayong misyon bago tayo tuluyan tumakas papunta dito sa mahirap na kalawakan na ito," matatag na sabi ng isang boses na parang kilala ni Beth kung sino.
Pinunasan ni Beth ang mga mesang pinagkainan kanina. Labas pasok man ang mga kustomer sa kanyang munting karinderya pinapanatili niya na malinis ang kapaligiran. May dalawang tauhan na android si Beth na kumukuha ng mga order at dalawang tao naman ang nagluluto sa kusina. Nagsilabasan man ang mga bagong teknoloji sa bansa ukol sa pagkain, pagluto at paglinis pinatili pa rin ni Beth na simple ang kanyang karinderya. Nakatindig sa kanto ng Leon Guinto, mag-iisang dekada na ang karinderya ni Beth na simpleng pinangalanan na "Kainan sa Leon Guinto".
Sampung mesa at apat na upuan sa bawat isa ang nasa loob ng karinderya. Nakadikit sa mga pader ang menu na nagpapalit-palit mula sa almusal, tanghalian, hapunan, panghimagas, at inumin. Pinakabagong bili niya ang bagong cash register na tumatanggap na ngayon ng credits mula sa ibang bansa o planeta. Kasama rin ang bagong Government Feed TV na ibinigay ng siyudad sa kanya. Naglalabas ito ng mga paalala, pahintulot, balita at oras ng pag-alis at pagdating ng mga sasakyang pampalawakan.
Nasa kabila lang ng kalye nila ang dating Taft Avenue na tinatawag na ngayong Spacewalk. Sa pagguho ng mga gusali sa Taft noong nagkaroon ng malakas na lindol dalawang dekada ang nakakaraan. Tinayo rito ng gobyerno ang unang Spaceport sa bansa. Umaabot ang sakop nito mula sa dating istasyon LRT ng UN Ave hanggang sa dulo na Baclaran. Araw-araw na natatanaw ni Beth ang sari-saring sasakyang pampalawakan na umaalis at dumadating dito. Masuwerte siya dahil sa parte ng Spaceport na ito ang isa sa mga gate na labasan ng mga pasahero. Gate 32 o ang Moon Gate na tinatawag ng iba ang kung saan naghihintay, umaalis, at dumadating ang mga pasaherong gustong pumunta o galing sa Buwan ng Earth.
Nakakatulong ang mga pasherong ito sa kita ni Beth na isang biyuda, 47 taong gulang, at may nag-iisang anak na lalaki. Pinag-aaral niya ito sa Philippine Space Academy na nasa pulo ng Masbate. Napupunta ang kalahati ng kanyang kinikita sa matrikula ng kanyang anak, at nahahati naman ang iba sa pamalengke, suweldo at pagpapanatili ng mga android. Simula ng yumao ang kanyang asawa ipundar niya ang karinderya para matustusan ang mga gastusin sa paaralan hanggang makatapos ang kanyang anak.
Masaya naman si Beth kahit papaano. Marami siyang nakilalang mga iba't ibang tao o nilalang galing sa ibang planeta. Nagmistulang maliit na United Nations sa loob ng karinderya. Hindi naman nakakalimot ang kanyang anak na magpadala ng dekuryenteng liham sa kanya isang beses sa isang buwan. Nagkaroon din ng mga insidente rito na hindi inaasahan tulad ng pag-aaway, pagtatalo, suntukan at hamunan. Umaasa lamang si Beth sa rumurondang android na pulis kapag may nangyaring ganoon. Wala naman sa ordinaryong araw na ito ang magsasabi na may kakaibang mangyayari sa mga lilipas na araw.
Mas marami sa karaniwan ang nagsisilabasan sa Gate 32. Sari-saring uri at nasyonalidad ng mga tao at nilalang. Nariyan ang Amerikano, Hapon, Benusyan, Marsyan, at Saturnino. Ilang taon rin ang nagdaan bago nasanay si Beth kung sino ang Benusyan o Marsyan. Mapula ang mga buhok ng Marsyan at medyo namumula rin ang balat habang mahahaba naman na mala-ubeng kulay na buhok ang Benusyan. Mayroon naman mga pulseras na parang platitong binutasan sa gitna ang mga taga Saturnino na minsan tinanong niyo kung bakit lahat sila may suot na ganoon. Para daw itong ID sa kanila ito ang nagtutukoy kung sino ang isang indibidwal nakasaad dito ang lahat ng impormasyon at hindi ito natatanggal.
Madalang lang dumaan ang mga Jupiterans, Plutons, Uranasians at hindi napakalimit naman na dumating ang mga Neptunes at Mercurians dahil sa Gate 67 ang labasan nila. Gayumpaman nakikita na si Beth ng isa o dalawa sa kanilang mga uri. Hindi naman mawawala ang dagsa ng mga kapwa Earthians na opisyal na tawag sa mga naninirahan sa Earth. May mga karaniwang bumabalik sa karinderya at nagdadala sila ng mga kaibigan o bagong kakilala. Iba-iba rin ang kanilang mga propesyon at trabaho pero mga sundalo at propesor ang madalas kumain dito. Hindi man sila magkakilala minsan hindi maiwasan ang kaunting biruan, bangayan, at asaran. Dito nagsisimula ang mga away at gulo. Napipigilan naman ni Beth na patigilin sila kung alam niya na malapit ng sumabog ang kulo ng isa. Marami rin sikretong nabubunyag at mga balita na hindi sinasabi sa telebisyon. Kaya masasabing isa nang sikat na pupuntahan ang karinderya kung lalabas ka sa Gate 32.
"Kasalukuyang kinakargahan ni ka Bola ang ating mga armas," sabi ng boses na pinaghihinalaan ni Beth na kilala niya. "Nakahanda na ang mga sasakyang gagamitin natin at natagpuan na ang Strata 2000 sa Hangar 212. Puno na ang nuclear fuel nito at makakatalon tayo kaagad palabas ng galaxy." sagot ng isa pang lalaki. "Wala na tayong makukuha rito, pinaghahanap tayo sa lahat ng planeta, watak-watak ang samahan ng mga pirata at pinapatay ang isa't-isa. Mabuti na lang at kumalas tayo pero hindi rin tayo makakabalik sa gobyerno dahil tiyak na paparusahan tayo ng kamatayan sa ating mga ginawang kasalanan." patuloy ng isang lalaki. "Tama ka, ka-Jo nakakawala talaga ng interes ang manatili pa rito sa Earth. Tingnan mo itong karinderya. Wala pa ring halos pinagbago ng huling bisita ko rito mga mahigit ilang taon na ang nakalipas. Mahirap siguro kumita kahit sabihin na malapit ito sa Gate 32," sagot ng boses na kilala ni Beth.
Sa mga mungkahi na iyon lalong nag-hinala si Beth na kilala niya ito. Hindi nga lang malinaw sa kanya dahil sa rami ng tao na kumakain sa kanyang karinderya. Nais sana niyang sumilip at masulyapan ang mukha nito pero alam niyang delikado ang sitwasyon.
"Ka-Jo, Pol handa na ang mga armas. Nakontak ko na rin si Boa at tapos na raw ang ruta ng mga AP(Android Police). May roon tayong isang oras para patayin ang limang aktibong kamera sa loob at labas ng Hangar." sabi ng isang babae. "Ok, Bola iwan mo muna sa mga mesa ang armas at tawagin ang dalawang gung-gong na nagbabantay." utos ni Pol ang pangalan ng taong nabosesan niya.
Narinig ni Beth ang paglabas mula sa kusina ng isang tao. Kinakabahan na siya at mabilis ang tibok ng puso. Dahan-dahang tumutulo ang pawis niya at tumataas ang presyon ng dugo. Inisip ng mabuti at maingat ang boses. Nasa dulo ito ng tuktok ng kanyang utak pero hindi pa rin niya malaman kung sino. Nanahimik ang kusina. Kaunting kaluskos at mabigat na paghinga ng sarili ang tanging niyang naririnig. Pinadausdos niya ang pintuan ng pinagtataguan para makasilip sa labas. Maliit na maliit lang pagitan na ginawa niya sa walang ingay na pagbukas nito. Gumalaw ng dahan-dahan si Beth para tahimik na maiobra ang katawan papunta sa maliit na pagitan. Isang linya na maliit na sinag mula sa labas ang sumalubong sa madilim na kinahihigaan. Sumilip siya rito nugnit wala siyang makita kundi ang puting marmol na sahig ng kusina at paa ng mesa sa gitna nito. Nakarinig siya ng yapak at dahan-dahan sinarado ang pintuan at kinagat ang mga labi para walang ingay na lumabas.
"Naibigay ko na sa dalawa ang mga kailangang armas at plano sa ating pagpasok sa Gate 32," sabi ng boses na parang siyang nautusan kanina. "Magaling, ngayon ihanda mo na ang sasakyan, may roon lang akong gagawin, hintayin niyo na lang ako sa labas at meron pa tayong 30 minuto bago nila maibalik ang kuryente." utos nito. Narinig niya ang nagmamadaling pagbagsak ng bota sa sahig at nawala ito sa distansiya. Narinig naman ngayon ni Beth ang palapit na palapit na hakbang kung nasaan siya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso na parang mahihimatay siya. Bumukas ang pintuan at sa ilalim ng maitim na kumot mahinang ilaw ang nakikita niya.
"Ate, alam ko nariyan ka lumabas ka at may limang minuto lang ako bago ako lumabas at tuluyan ng umalis sa planetang ito." sabi ng boses. Parang may pumutok na lobo sa loob ng kanyang puso. Alam na niya ngayon kung sino ang boses na iyon. Matagal na panahon na niya ito narinig dahil nabalitaan niya patay na ito. Inalis ni Beth sa ulo ang kumot. Ilaw na galing sa isang energy light bar ang sumalubong sa kanya. Lumapit ang isang mukhang hindi niya maala kung sino. Bakal na ang tuktok ng ulo at pula ang mga mata. Ngumiti ang mukha sa kanya at dito nagpapatunay na kanyang kapatid ito. Hindi makapagsalita lumabas si Beth sa ilalim ng hugasan. Mahihilo siyang sumalampak sa bakal na upuan sa mesa. "Ate Beth, alam ko gulat na gulat ka. Alam ko rin na magtatago ka diyan kahit sinabi kong walang tao rito." sabi ng kapatid ni Beth. "Bobi, hindi ba patay ka na?" tanong ni Beth na may takot sa boses. "Oo, Ate namatay ako at binuhay ng mga pirata. Sila ang nagligtas sa akin at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Naalala mo ang balitang pinasabog ang sinasakyan naming Talos Liner? Doon ako nasawi sa pagkakaalam mo pero pinalabas na lang na ganoon." kuwento ni Bobi. "Bakit ka hindi bumalik? Bakit kailangan mo sumama sa mga pirata?" tanong ulit ni Beth na ngayong naguguluhan. "Gaya ng sabi ko sa iyo, malaki ang utang na loob ko sa kanila, hindi nila ako pinabayaan mamuhay at binigyan nila ako ng panibagong simula sa aking dating mga pinapaniwalaan. Nahiwa ang tuktok ng bungo ko sa tumalsik na bakal mula sa pagsabog. Hindi ako makakita at uubusan na ng dugo. Sa bawat pagsalakay ng mga pirata kumukuha sila ng kahit sinong pasahero mula sa kanilang pinagnakawan. Binagyan nila ako ng buhay ngayon oras na tuparin ang pangakong paglalaban." patuloy na kuwento ni Bobi na hindi man lang pumikit. "Bobi, akala ko patay ka na, nanahimik na kami ng pamangkin mo, masakit sa kanya ang pagkawala mo dahil wala na nga siyang ama. Ngayon at nandito ka na ibang-iba na parang hindi na kita kilala. Hindi ka ba puwede na sumuko na lang sa mga awtoridad?" umiiyak na sabi ni Beth. Lumapit si Bobi at niyakap ang nakakatandang kapatid. "Kailangan ko nang umalis Ate, kung ano man ang pinaglalaban ko sa gobyerno o sa mga iba pang planeta wala ng makakapagbago ng isipan ko. Aalis na ko pero iiwan ko sa iyo ang ito." sabi ni Bobi at naglabas siya ng isang parang card ngunit bakal. "May laman ito na pera hindi ko alam kung gaano karami pero hindi ko nito kakailangan sa pagtalon namin sa kabilang galaxy, ito ang solusyon para makaalis ka sa karinderyang ito at matupad ang mga pangarap mo." sabi ni Bobi. Tahimik si Bobi na lumabas iniwan ang kapatid na umiiyak.
Sa huling pagkakataon para makausap ang kanyang kapatid walang sinabi si Beth. Nakalatag sa mesa ang manipis na bakal. Tumulo ang kayang mga luha at hindi man lang pinupanasan. Hindi maalis sa isip ang sinapit ng kapatid sa huling paghinto sa kanyang karinderya.
filipino science fiction

No comments:
Post a Comment