Isang blog nagbibigay kulay sa mundo ng science fiction gamit ang maiikling kuwento na kesa sa wikang Filipino o Ingles.

20060831

The Duplicated President

The podium in the centre of a rebuilt Qurino Grandstand was waiting for a speaker to come up. The area was filled of supporters, military soldiers, and the obliged citizens. In short time they will see the oath taking of the new President of Democracy. The man whom votes against the nearest competitor was over 50 million. The Opposition was here for their respective duties and TV time. Albeit all the people, the man who would speak is alone. He has no family only a past that dead scientists only knew.

40 years ago, the government in secrecy from the country and its sitting president divulged in a project that would seem solve the unending crisis of corrupted, unlawful, unworthy politicians taking post in the government. Geneticists were picked for the daunting task of creating the perfect DNA for the government. Names withheld and families uninformed they toiled for a decade or so finding strains of DNA for different characteristics. Searching in Cavite for traces of Aguinaldo remains, opening the freezing casket of Marcos, grave-robbing for bones of Roxas, Quirino, Quezon and Magsaysay, nicking hair from the dying Estrada and removing a mole from the assassinated Arroyo the geneticists worked hard to get every trait of DNA they could. The project was based on obtaining DNA from past presidents of the country taking out a certain code and storing it for a final solution.

Backstage the new President awaits his cue. Dressed in a natty traditional Barong Tagalog, he walks back and forth rehearsing his first statement as the most powerful authority in the land. Rubbing all thoughts of nefariously remarks at the opposition flabbergasting comments the day before on fraud, he concentrated on not building a facade that they may pick up on. As a female staff member with an iridescent negligee comes up to him signalling that he should be ready in a few minutes, the president calms himself down and slowly walk towards the door out to the stage.

Creating a DNA code from existing strains was something that has not been achieved in the history of science. Working to the apogee of what they could do geneticists partly conceded on making it happen. Armed with animosity of past government officials they found the sweet spot for the new code. The completion of strain lies on artificially inseminating it to a host. Randomly choosing a healthy woman, they carefully injected it directly to the egg. In able not to catch the natural strain of the body, a protective strain that catches all alien traits, once the child is born would be removed. The birth goes smoothly but the woman couldn't bear much of the pain and died afterwards. Stripping the strain before the baby goes to the nursery only the future would tell if the doctors did it right.

Stepping out on to the stage, the crowds stood tall cheering, clapping and jeering to the 5'10" tan skinned man walking unto the podium the president with game face on stopped and stared at the packed audience. The President of the , an enormous introduction from the P.A. filled the grandstand and with respect all people attending stood. The usual ceremonial rites of flag raising, prayers and oath-taking took place. The president staying in his podium preparing for his big speech waited patiently.

For the government’s sake, people who took part in the project were silenced either by force or natural causes. They didn't live to see a man grow in to becoming the greatest politician to have emerged for the last century. Graduating at the top of his class, surviving military training and combat, breaking into language barriers, fighting for the poor, living simply in small houses, eating with his hands, debating and gaining ground against political figures whilst a young student, solving economic problem here and there and winning every electoral bid the future President was on the right track.

"Mabuhay Pilipinas!" It was the opening remark of a long speech by the new President. The uncanny abilities to reach out and be heard were one of the strong characteristics of the newly voted Chief of State. Crowds roared with it. Continuing after the silence the President summarizes his plan for a new government. Stipulations of the trashing of old laws and traditions replacing it with more just counterparts that would serve both government and people reverberated clearly. He did not promise one thing but said that action would be done no talk is needed. Sitting queasy in the background is the opposition. Still not taking an embarrassing defeat on margins of victory of the new President their eyes roam the horizon above the crowd. In the shadows at the back of the jeering audience, up high in a deserted historical landmark building, a man looks on. Resting on his arms and shoulder is a 100th Anniversary Commemorative Edition Springfield Rifle Military Issue loaded for action. With instructions from an unknown source he was waiting for a keyword in the speech before he pulls the trigger.

"..I stand here before you as a Filipino with a vision. A mission to free our country of hatred, poverty and undying political innuendos. I am the President and I would not yield to every corrupt, unjust, unlawful official that has hindered our country for many years. Opposition" the President continued on his speech but at the last word a silence breaking shot was heard. The crowds erupted; the military attentively tries to calm the situation, people were panicking heading for the gate exits. Military can't appease them all. Shots fired from every direction. A frenzy stampede of women, men and children ensued while losing their shoes, sandals, and slippers getting stomped by their fellow men. Amidst the panic of the people, a man lies on the centre of the stage. Numbed by the gunshot and bleeding from the right his eyes froze. Just like a road kill carcass being passed by.

20051016

Takbong 65

"Jose, anong ireregalo mo pagdating ng kaarawan ng iyong itay?" tanong ng tisoy na may pilak na buhok, narinig ko pero hindi ako sumagot.
"Jose?" ulit nito.
"Ha?, sorry hindi kita narinig," sagot ko.
"Sabi ko di ba malapit na ang bertdey ng itay mo? Naalala ko kasi noong inimbitahan mo ako na pumunta sa bahay ninyo noong nakaraang taon."
"Ah, Oo, hindi ko pa alam, marami tayong tinatrabaho ngayong linggo kaya hindi ko na pansin na malapit na ang kaarawan ni itay," sagot ko na parang iniiwasan ang tungkol dito.
"Sabihin mo na lang kung bibili ka na at sasabay na rin ako sa iyo." sagot nito sabay umalis saking paningin.

Sa totoo matagal ko ng iniisip ang tungkol dito. Nagsinungaling ako kay Pol sa tanong niya kanina. Matagal ng bumubulabog sa aking isipan ang padating na kaarawan ni itay. Isang linggo na lang. Pitong araw ko na lang siya makakasama o mas kaunti pa sa dami ng trabaho. Sa darating na bertdey magiging 65 na siya.

65.

Masyadong maikli ang panahon para mawalay ako sa kanya. Hindi ko sinabi kay Pol ang tunay na edad ni itay tiyak siguradong iba ang magiging reaksyon nito. Natatakot ako at wala na kong magagawa pagsapit ng araw na iyon. Maraming taon na ang nakalipas ng kausapin ako ni itay tungkol sa kanyang ika-65 na kaarawan. Dadakpin na siya ng gobyerno at ilalayo sa kanyang pamilya kung hindi siya sumunod mapapahamak naman ang kanyang pamilya. Hindi raw niya kaya tanggapin na isakprisyo ang pamilya para lang sa kanya. Kahit patong-patong pa ang trabaho na dapat kong gawin isa lang palagi ang nasa loob ng aking utak. Ang RA 32501.

Bumalik ako sa ginagawang trabaho sa kompyuter. Kailangan ng maipasa ito bago ang dedlayn mamayang hapon. Kakatapos lang ng lunch break at may apat na oras pa ako para gawin ito. Isa akong manunulat o mamahayag sa online bullettin ng gobyerno na www.gobyernobalita.ph. Sampung taon na ako rito nakikipagsabayan sa malalaking diyaryo, telebisyon at iba pang online news bullettin pero kami ang isa sa mga opisyal na nagpapahayag ng mga isyu galing mismo sa palasyo. Tiningnan ko ang blankong screen inilagay ang pamagat na "Mga Ekonomista Nagpulong para sa Bansa" ni Jose Sampaloc. Tumayo muna ako at nagsimulang maglakad papunta sa CR dahil kanina pang nalalamigan ang kalbo kong ulo.

Katamtamang tangkad ng Filipino si Jose, medyo may taba sa tiyan, maitim ang balbas, at may peklat sa leeg na parang sungay ng kalabaw. Kahit pa man kalbo siya hindi pinapakita ng mga katrabaho na mayabang ang dating niya.

Pinagpatuloy ko ang ginagawang artikulo na lalabas sa gabing bersiyon ng 'Gobalita'. Tapat ako sa serbisyo ko sa gobyerno, pinapanatili na walang pagkiling at diretso sa pagpapahayag. Kaya siguro palaging madaling tanggapin ng publiko ang inilalabas namin na mga balita. Maraming nagsasabi na hawak kami ng gobyerno pero pinababayaan naman kami na magpahayag ng malaya maliban lang sa pagkontra sa ibang malalaking isyu. Isang dekada ang nakalipas ng may malaking isyu ang lumabas ng nagsisimula pa lamang ako sa 'Gobalita'. Inilabas ang Republic Act No. 32501 o tinatawag ng mga mamayan na "Geriatric Kidnapping". Nakasaad sa polisiyang ito ang pagkuha ng gobyerno ng mga mamayan sa edad na 65 dahil hindi na sila produktibo at nakakabagal ng pag-unlad ng bansa. Kaya hindi ko maialis sa isipan ang sasapitin ng aking itay isang linggo na lang mula ngayong araw. Nangatog ang bituka ko sa pag-iisip nito. Maraming grupong Human Rights ang kumontra rito at marami rin ang namatay sa pagtatangol sa kanilang mga kamag-anak. Hindi maganda ang unang taon ng implementasiyon ng polisiya na ito pero hindi rin natinag ang gobyerno sa pagbasura nito. Unti-unting tumahimik ang mga grupo at mapait na tinanggap naman ng bawat pamilya ang sasapitin ng kamag-anak pagdating sa edad na 65. Wala sa aming grupo ang nagsalita laban dito. Wala rin namang nagsulat tungkol dito kundi ang opisyal na diyaryo ng gobyerno. Naalala ko pa ang headlayn: "RA 32501 to be implemented today". Nilihis ko ang pagalala nito at tinapos ang aking ginagawa. Ilang oras na lang makakauwi na rin ako. May paraan kaya para hindi dakpin ang aking ama?

Iniisip ko ito sa dalawang oras na trapik na sumalubong sa aking pag-uwi. Nakaramdam ng antok, pagod, gutom, lamig ng erkon, at naririnig ang mabagal na kanta sa radyo habang lumulutang ang utak sa sariling palaisipan kung may butas sa RA 32501. Dumating ako sa aking munting condo, studio type, tipikal na tirahan ng isang nag-iisa sa buhay. Matagal na ako nawalan ng ina, wala akong kapatid at si itay na lang ang pinakadugo ko. May natirang ulam sa ref at ito ang lalumin ngayong gabi.

Busog ang tiyan ni Jose at nagtungo siya sa kanyang kompyuter tebol na gawa sa narra. Makinis ang karayagan nito at matibay ang pagkakagawa.

Umupo ako sa silyang balat at malambot, binuksan ang laptop at binuksan ang programmang Contacts Manager. Naghahanap ako ng tao na makakatulong sa akin tungkol sa RA 32501 dahil mamahayag ako ng gobyerno marami akong kakilala. Sa pagmamasid ko sa mga pangalang gumagapang pababa napatigil ako sa isang pangalan. Isang beses ko pa lang siya nakilala. Ininterbyu ko siya tungkol sa krisis ng enerhiya sa Pilipinas. Hindi siya sang-ayon noon sa mga bagong patakaran ng Kagawaran ng Enerhiya at nagbitiw siya sa kanyang puwesto. Siya si Cesar Mahna. Dating mataas na tauhan ng kalihim. Siya ang ininterbyu ko dahil wala ang kalihim ng mga panahon na iyon. Baka may alam siya tungkol dito sa RA 32501.
Bakit siya sa lahat ng kakilala ko? Dahil siya lang ang pinakamalapit sa edad na 65 kung tama ang profile na nailagay ko. Sinulat ko ang numero niya sa isang papel at nagretiro na sa gabi bukas ko na lang siya tatawagan.

Tirik na ang araw at nararamdaman na ni Jose na umaga na. Naririnig na niya ang mga bosina ng kotse, naamoy ang usok na nangagaling sa automatic kettle. Bumangon siya at masakit ang katawan, nag-unat para magising lalo at naghilamos sa lababo. Kinuha niya ang takure at isinalin ang mainit na tubig sa tasa para makapagtsaa.
Pagkatapos uminom ng tsaa kinuha niya ang handset sa telepono at nagsimula mag-dayal.

"Hello, Good Morning, ito ba ang bahay ni Mr. Cesar Mahna." sabi ko ng maligalig.
"Oo, siya nga, sino sila?" sagot ng isang magaspang na boses ng lalake.
"Si Jose Sampaloc po ito ng gobalita, nandiyan po ba siya?" sagot at tanong ko ulit.
"Ah, Mr. sampaloc parang naalala kita, ano ang mapaglilingkod ko sa iyo?" sabi ni Cesar Mahna.
"Mr. Cesar, kayo po pala iyan, akala ko hindi niyo ako naalala, gusto ko lang sana magtanong sa inyo, kung mararapatin niyo po" dahan-dahan kong sinabi.
"Sige, walang problema tungkol saan ba ito?" tanong ni Mahna.
"Alam po naman natin lahat ang RA 32501, pero tatanungin ko po kayo bilang isang abogado at opisyal ng DOE kung may lusot o makakaiwas dito." sabi ko kahit alam kong nagbitaw na siya ng posisyon sa kagawaran.
"Tama na abogado ako pero hindi na ako opisyal ng DOE, matagal na akong umalis sa posisyon ko. Wala akong ibang maiimungkahi sa RA 32501 kundi isa itong kalabastugan ng gobyerno na inaaprubahan ng DOE noong nandoon pa ako." sagot ni Mahna ng malakas at matapat.
"Inaprubahan ng DOE? Diba ang DOST at DSWD ang gumawa ng batas na ito?" nagtataka kong tinanong sa kanya.
"Oo, pero kakaunti lang ang nakakalaman ng bagay na iyan, noong nasa DOE pa ako ng malaman ito pero hindi ito bagay na dapat pag-usapan sa telepono. Maraming nakikinig na maladuwende ang tainga, magkita tayo sa isang pampublikong lugar at ipapaliwanag ko sa iyo. Alam mo ba kung saan ang dating Luneta Park? doon tayo magkita." sabi nito sa akin na walang takot at pagalinlangan na parang matagal na kaming magkakilala.
"Opo sir, alam ko kung nasaan. Maghihintay po ako." sagot ko at nagpaalam kami sa isa't isa na magkikita pagkatapos ng isang oras.


Pumunta ako kung saan dati nakatayo ang monumento ni Jose Rizal ang pambansang bayani. Pinasabog ito ng mga ralliyista na kumukontra sa pagpapalakad ng nakaraang gobyerno. Patag na konkreto na lang ang makikita, nagmistulang isang malaking paradahan ito sa mga bumibisita sa kalapit na bagong tayong Freedom Park. Pinarada ko ang aking kotse at lumabas. Lumipas ang sampung minuto ng nakita ko ang padating na pulang kotse. Pumarada ito sa isang bakanteng islot. Bumaba ang panot at may puting buhok na maliit na lalaki. Makikita sa kanyang mukha ang guhit ng pagtanda. Siya si Cesar Mahna sa aking pagkakilala.

Lumapit si Jose sa kanya hindi niya nahalata ang dala-dalang folder sa kanang kamay ni Cesar.

"Mr. Cesar Mahna," sabi ko at sabay inalok ang kanang kamay.
"Ah, Mr. Sampaloc." hindi niya pinansin ang aking kamay at tinuro na doon kami maglakad sa may park.
"Marahil nagtataka ka at bakit dito ko gusto makipagkita, simbolo ng paglaya si Jose Rizal, simbolo ng pagiging manunulat na hindi takot na lumaban sa awtoridad.
Maraming kontrobersiya ang bumabalot sa hindi pagtayo muli ng monumento niya, nawala na daw ang bisa ng kanyang pagkabayani kaya binasura ng gobyerno ang pagpapatayo ng bagong monumento.
Ngayon sa iyong tinatanong. Isang dekada na ang nakalipas at lumubas ang RA 32501 o ang batas na pagkuha ng matatanda. Alam ko kung bakit ako ang napili mong tanungin dito kahit hindi ako bihasang abogado o kaibigan man lang na makikipagtiwalaan sa loob ng gobyerno. Tinanong mo ako dahil malapit na ako dumating sa edad na 65, tama ba ako?" tanong niya sa akin.
"Opo, ser." sagot ko ng mahinahon. "Pero gusto ko rin naman po talaga malaman ang tungkol dito dahil wala ng bumabatikos nito ngayon kahit napakaselan ang polisiyang ito." dagdag ko.
"Tunay na maselan ang bagay na ito. Malaking problema ang dinulot nito sa gabinete ng gobyerno. Nagkaroon ng botohan sa mga kalihim sa pagpapasa nito bago pa man ito maprubahan ng pangulo. Hati ang botohan at natira ang DOE bilang babasag sa tabla na ito. Sumangayon sila dahil isa sila sa mga gumawa at nangampanya rito pero walang alam ang ibang kalihim doon. Sagot daw ito sa krisis ng enerhiya. Sagot daw ito sa problema ng pagbibigay kuryente sa mga mamayan. Lihim sa mga mamayan unti-unti nilang ginawa ang isang pasilidad sa Mindanao. Kasama ang DOST at DPWH, pinalibutan nila ito ng mataas na pader,kuryenteng bakod, at militar na magroronda. Kaya walang may-alam kung ano ang nasa loob nito. Noong nasa opisina pa ako ng DOE nakatanggap ako ng dokumento kung ano ang silbi ng pasilidad na ito. Magiging bagong tirahan daw ito ng mga matatanda. Kung tirahan ito ng matatanda bakit nila kailangan bantayan ng ganon katindi. Nang maprubahan ang batas naisama ito sa bilang isang instituto na magsisilbing bagong teritoryo o tirahan para sa matanda lamang. Naglabas ng survey ang DOST kasama ang DSWD na pagsapit sa edad na 65 huhihina ang pagiging produktibo ng isang indibidwal. Maapektuhan ang ekonomiya, dagdag lang ito sa mga mamayan na hindi nagtratrabaho kundi nagpapahirap lamang. Dahil sa mga konsumisyon na palagi silang alalayan, gamutin kung may sakit, pakainin, paglaanan ng sayang na oras, enerhiya, at pagkukunan ng pangangailangan. Sa mata ng gobyerno tama ito at tiyak na maibaba ang krisis sa enerhiya at ekonomiya. Kahit pa man alam nila na magagalit ang taong bayan dito at tutol ang simbahan. Ito lang ang paraan para makaligtas ang bansa." paliwanag niya sa akin ng masinsinan at tuloy-tuloy.
"Kung gayon ano ba talaga ang nasa loob ng pasilidad na iyon at nasasakop din niya ang malaking bahagi ng Mindanao?" tanong ko kaagad, mabilis na tumitibok ang aking puso.
"Walang nakakalaam, pinapaniwalaan lang na doon dinadala ang mga matatanda. May pumapasok din dito na mga duktor, nars, pero sa palagay namin isang pagtatakip lang ito sa tunay na nangyayari sa loob." sagot ni Mahna.
"Ibibigay ko sa iyo ang mga dokumentong ito. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa RA 32501. Pag-iingatan mo ito. Walang may alam na hawak ko itong impormasyon na ito. Wala na rin akong pag-iiwanan na iba pa. Mabuti na at nasa kamay mo ito. Itanim mo sa iyong isipan walang sikretong hindi natutuklasan." dagdag nito pagkatapos inabot ang parihaba na plastik folder sa akin. Kinuha ko ito at sinabing "Huwag po kayong mag-alala at mag-iingat ako." "Kailangan ko ng umalis masyado ng matagal ang pinalagi ko rito." sabi ni Mahna.

Sabay silang naglakad patungo sa paradahan. Mahigit sampung kotse ang pagitan ng kanilang mga sasakyan. Naunang sumakay si Mahna sa kanyang kotse. Naglalakad si Jose ngayon patungo sa kanyang sariling sasakyan, narinig niya ang pamilyar na tunog ng nagstart na kotse at isang malakas na pagsabog ang narinig niya pagkatapos. Mainit na dumampi sa batok niya ang usok mula sa nagliliyab na kotse. Nakita niyang tumilapon ito ng ilang talampakan mula sa ere sa kanyang paglingon. Kulay apoy, nagbabagang, pumipitik na siga ang sumalubong sa kanya sa pagbagsak ng kotse. Tumakbo siya sa malayo alam niya magkakaroon ng epektong domino ang mga kotseng katabi nito. Hawak pa rin ng mahigpit ang folder, nagmadaling tumakbo si Jose.

"Putsa! Mahna!" hindi ko marinig ang aking sigaw sa muling pagsabog ng kotse ni Mahna. Siguradong walang makakaligtas sa pagsabog na iyon. Warak na warak ang kotse na parang inuluwa ito mula sa impyerno. Nagmadali akong pumunta sa aking kotse maya maya sasabog na rin ang iba pang sasakyan. Teka lang sabi ko sa aking sarili kung may gustong pumatay kay Mahna at nagtagumpay siya tiyak na nakita nila na nag-usap kami. Dumapa siya at sinilip ang ilalim ng kotse. Walang nakakabit na aparato dito na masasabing bomba. Binuksan ko ang pinto, hinatak ang itim na switch para mabuksan ang hood ng kotse. Tinangnan ko ito ng mabuti at wala namang pagbabago. Narinig ko sa malayo ang mga sirena ng bumbero. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito. Delikado at masangkot pa ako rito. Sangkot na nga naman talaga pero kailangan hindi ako makita ng awtoridad. Anim na araw na lang bago ang kaarawan ni itay. Kailangan ko matuklasan kung ano ang sikreto ng gobyerno.

Inilapag niya ang folder sa upuan na bakante. Pinapawisan at umuubo sa usok ng pagsabog dali-dali siyang umalis sa dating Luneta Park. Madaling inapakan ni Jose ang mabigat na pedal ng 7-taong umuugod na kotseng pilak. Matagal bago niya napansin ang pawis na dumudulas mula sa kanyang ulo kahit pa man nakatodo ang aircon. Dumating siya sa kanyang munting kondo sa dulo ng kalsadang tahimik. Mabilis niya tinahak ang hagdan papunta sa ika-apat na palapag ng kondong tinitirhan. Ayaw niya gamitin ang elevator at baka may makakita o naghihintay sa kanya sa lobby na hindi niya alam.

[kasalukuyang ginagawa]

20051011

RA32501

REPUBLIC ACT NO. 32501
AN ACT PRESCRIBING THE CODE OF NATIONAL GERIATRICS OF THE PHILIPPINES

Section 1: Short Title - This act shall be known as the "Filipino Geriatric" Code of the Philippines.

Section 2: Declaration of Policy - All citizens turning the age of 65 would be put into exile to the Mindanao Region for Geriatrics. The Policy shall seek and apprehend such citizens which age were proven unproductive by the Department of Science and Technology.

Section 3: Definition of Terms. Whenever used in this act.
a) "Medical Doctors" shall mean the physical body investigators of the citizens.
b) "National Census" shall mean the high authority in the issuance of warrants of citizens.
c) "Military" shall mean the official authority in apprehending citizens.
d) "Official Residences" shall mean the area in which citizens would be put in.
e) "Institute" shall mean the Department of Science and Technology, Bureau of Geriatrics.

Section 4: Exemptions - Every citizen is under this act, only citizens in high public office that have years in their term to be finished are exempted. eq. President, Senators and Supreme Justices.

Section 5: Transport Ban - Citizen that would turn 65 in 5 years are prohibited in going out of the country. Penalties are given to the family when citizens doesn't return to the country in the said time.

Section 6: Communication - All communications are prohibited from the DOST-BOG Area to the public about citizens already apprehended. Penalties are given to whom who trespasses the no-flying zone, restricted area, and uncertified arrival on the area to be able to communicate or see the area.

Section 7: Penalties - Penalties for Section 5 are seizure of family heirloom, and 3 years imprisonment. Penalties for Section 6 are 10 years imprisonment on first warning, 20 years imprisonment on second warning, and death penalty for the third and last warning.

Section 8: The Institute is responsible for the strict enforcement of the provisions of this Act. It may call upon any government department, agency, office, or government instrumentality, including government corporations, and local government units, for such assistance as it may deem necessary for the effective discharge of its functions under this Act.

Section 9: Separability clause. - If any provision, or part hereof, is held invalid or unconstitutional, the remainder of this Act not otherwise affected shall be valid and subsisting.

Section 10: Repealing clause. - Any law, presidential decree or issuance, executive order, letter of instruction, administrative order, rule or regulation contrary to, or inconsistent with, the provisions of this Act is hereby repealed, modified, or amended accordingly.

Section 11: Effectivity. - This Act shall take effect fifteen (15) days from the date of its publication in the Official Gazette, at least two (2) newspapers of general circulation and at least three (3) government online bulletins.

Approved: March 3, 2015

20051002

Huling Stop-Over sa Milky Way

Mahina ang kita ngayong sa karinderya, kaunti ang dagsa ng kumakain at may nakakatakot na katahimikan na bumabalot sa lansangan. Naglabas ng babala ang gobyerno ukol sa pagpasok ng ilang mga pampalawakan na pirata sa lugar kung saan malapit ang karindeya ni Aling Beth.

"Mataumal ang negosyo ngayon anak, sa isang linggo na lang kita papadalan," sabi ni Beth sa kanyang anak gamit ang teleponong bidyo. "Sige po, Nay, hindi nagmamadali dito na magbayad," sagot ng anak sa maliit na iskrin. "Mag-ingat ka anak at palaging huwag pabayaan ang kalusugan." sabi nito sa anak na nag-aalala. Biglang naputol ang linya at naging itim ang iskrin ng bidyo. Naramdaman ni Beth na nawalan na kuryente sa kabuaan ng kanyang karinderya.

Madilim ang paligid sa labas. Matatanaw lang sa malayo ang ilaw ng spaceport na may hiwalay ang kuryente sa grid ng siyudad. Dahil sa dilim hindi gaanon makakita si Beth buhat na rin sa katandaan lumalabo na ang mga mata. Sinarado na niya kanina pa ang karinderya at pinauwi ang mga tauhan pero parang may pumipilit magbukas ng pintuan. Wala nga palang kuryente kaya hindi gumagana ang electronic bolt locks at isang bakal na harang lang na iniligay ng android ang humaharang dito. Dali-dali si Beth na tumakbo sa likuran ng kanyang karinderya. Kinuha ang isang mahaba na bakal na parang rehas at tinarangka sa pintuan sa likuran. Kahit papaano mapipigilan nito ang pagpasok ng kung sino man.

Hindi nagtagal at narinig na ni Beth ang mga malalakas ng pagdarambong sa pintuan sa harapan. Wala pa ring kuryente at siguradong hindi gagana ang seguridad na nakakabit lahat sa kompyuter na namatay kanina pa. Pumwesto si Beth sa ibaba ng lababo na nagsisilbing hugasan at sterilizer ng kusina. Blag. Blag. Bumigay na ang pintuan. Nakarinig siya ng maraming yapak ng mabibigat na paa. Nakarinig din siya ng mga yapak na parang bakal at gumugulong na aparato. Sinarado niya ang pintuan sa ilalim ng lababo at nagtalukbong ng itim na basahan.

Kahit nakatago sa ilalim ng makapal na basahan narinig pa rin ng matatalas na tainga ni Beth ang pagkalampag ng pintuan sa harap at pagsara nito muli. Kasabay nito ang mahihinang boses na palakas ng palakas na papalapit kung nasaan siya. Marahil papunta na sila sa kusina isip ni Beth. Tinatagan niya ang kanyang loob at sinubukang huwag gumawa ng kahit anong ingay at ikalma ang sarili para hindi mahalata ang init ng katawan.

"Mabuti at walang tao, magaling ang pag-pili mo ng puwesto Pol." sabi ng isang lalaki. "Salamat, ka-Jo at pumayag ka sa aking plano sagot ng isa. Kailangan natin makaalis na sa Milky Way pero may isa pa tayong misyon bago tayo tuluyan tumakas papunta dito sa mahirap na kalawakan na ito," matatag na sabi ng isang boses na parang kilala ni Beth kung sino.

Pinunasan ni Beth ang mga mesang pinagkainan kanina. Labas pasok man ang mga kustomer sa kanyang munting karinderya pinapanatili niya na malinis ang kapaligiran. May dalawang tauhan na android si Beth na kumukuha ng mga order at dalawang tao naman ang nagluluto sa kusina. Nagsilabasan man ang mga bagong teknoloji sa bansa ukol sa pagkain, pagluto at paglinis pinatili pa rin ni Beth na simple ang kanyang karinderya. Nakatindig sa kanto ng Leon Guinto, mag-iisang dekada na ang karinderya ni Beth na simpleng pinangalanan na "Kainan sa Leon Guinto".

Sampung mesa at apat na upuan sa bawat isa ang nasa loob ng karinderya. Nakadikit sa mga pader ang menu na nagpapalit-palit mula sa almusal, tanghalian, hapunan, panghimagas, at inumin. Pinakabagong bili niya ang bagong cash register na tumatanggap na ngayon ng credits mula sa ibang bansa o planeta. Kasama rin ang bagong Government Feed TV na ibinigay ng siyudad sa kanya. Naglalabas ito ng mga paalala, pahintulot, balita at oras ng pag-alis at pagdating ng mga sasakyang pampalawakan.

Nasa kabila lang ng kalye nila ang dating Taft Avenue na tinatawag na ngayong Spacewalk. Sa pagguho ng mga gusali sa Taft noong nagkaroon ng malakas na lindol dalawang dekada ang nakakaraan. Tinayo rito ng gobyerno ang unang Spaceport sa bansa. Umaabot ang sakop nito mula sa dating istasyon LRT ng UN Ave hanggang sa dulo na Baclaran. Araw-araw na natatanaw ni Beth ang sari-saring sasakyang pampalawakan na umaalis at dumadating dito. Masuwerte siya dahil sa parte ng Spaceport na ito ang isa sa mga gate na labasan ng mga pasahero. Gate 32 o ang Moon Gate na tinatawag ng iba ang kung saan naghihintay, umaalis, at dumadating ang mga pasaherong gustong pumunta o galing sa Buwan ng Earth.

Nakakatulong ang mga pasherong ito sa kita ni Beth na isang biyuda, 47 taong gulang, at may nag-iisang anak na lalaki. Pinag-aaral niya ito sa Philippine Space Academy na nasa pulo ng Masbate. Napupunta ang kalahati ng kanyang kinikita sa matrikula ng kanyang anak, at nahahati naman ang iba sa pamalengke, suweldo at pagpapanatili ng mga android. Simula ng yumao ang kanyang asawa ipundar niya ang karinderya para matustusan ang mga gastusin sa paaralan hanggang makatapos ang kanyang anak.

Masaya naman si Beth kahit papaano. Marami siyang nakilalang mga iba't ibang tao o nilalang galing sa ibang planeta. Nagmistulang maliit na United Nations sa loob ng karinderya. Hindi naman nakakalimot ang kanyang anak na magpadala ng dekuryenteng liham sa kanya isang beses sa isang buwan. Nagkaroon din ng mga insidente rito na hindi inaasahan tulad ng pag-aaway, pagtatalo, suntukan at hamunan. Umaasa lamang si Beth sa rumurondang android na pulis kapag may nangyaring ganoon. Wala naman sa ordinaryong araw na ito ang magsasabi na may kakaibang mangyayari sa mga lilipas na araw.

Mas marami sa karaniwan ang nagsisilabasan sa Gate 32. Sari-saring uri at nasyonalidad ng mga tao at nilalang. Nariyan ang Amerikano, Hapon, Benusyan, Marsyan, at Saturnino. Ilang taon rin ang nagdaan bago nasanay si Beth kung sino ang Benusyan o Marsyan. Mapula ang mga buhok ng Marsyan at medyo namumula rin ang balat habang mahahaba naman na mala-ubeng kulay na buhok ang Benusyan. Mayroon naman mga pulseras na parang platitong binutasan sa gitna ang mga taga Saturnino na minsan tinanong niyo kung bakit lahat sila may suot na ganoon. Para daw itong ID sa kanila ito ang nagtutukoy kung sino ang isang indibidwal nakasaad dito ang lahat ng impormasyon at hindi ito natatanggal.

Madalang lang dumaan ang mga Jupiterans, Plutons, Uranasians at hindi napakalimit naman na dumating ang mga Neptunes at Mercurians dahil sa Gate 67 ang labasan nila. Gayumpaman nakikita na si Beth ng isa o dalawa sa kanilang mga uri. Hindi naman mawawala ang dagsa ng mga kapwa Earthians na opisyal na tawag sa mga naninirahan sa Earth. May mga karaniwang bumabalik sa karinderya at nagdadala sila ng mga kaibigan o bagong kakilala. Iba-iba rin ang kanilang mga propesyon at trabaho pero mga sundalo at propesor ang madalas kumain dito. Hindi man sila magkakilala minsan hindi maiwasan ang kaunting biruan, bangayan, at asaran. Dito nagsisimula ang mga away at gulo. Napipigilan naman ni Beth na patigilin sila kung alam niya na malapit ng sumabog ang kulo ng isa. Marami rin sikretong nabubunyag at mga balita na hindi sinasabi sa telebisyon. Kaya masasabing isa nang sikat na pupuntahan ang karinderya kung lalabas ka sa Gate 32.

"Kasalukuyang kinakargahan ni ka Bola ang ating mga armas," sabi ng boses na pinaghihinalaan ni Beth na kilala niya. "Nakahanda na ang mga sasakyang gagamitin natin at natagpuan na ang Strata 2000 sa Hangar 212. Puno na ang nuclear fuel nito at makakatalon tayo kaagad palabas ng galaxy." sagot ng isa pang lalaki. "Wala na tayong makukuha rito, pinaghahanap tayo sa lahat ng planeta, watak-watak ang samahan ng mga pirata at pinapatay ang isa't-isa. Mabuti na lang at kumalas tayo pero hindi rin tayo makakabalik sa gobyerno dahil tiyak na paparusahan tayo ng kamatayan sa ating mga ginawang kasalanan." patuloy ng isang lalaki. "Tama ka, ka-Jo nakakawala talaga ng interes ang manatili pa rito sa Earth. Tingnan mo itong karinderya. Wala pa ring halos pinagbago ng huling bisita ko rito mga mahigit ilang taon na ang nakalipas. Mahirap siguro kumita kahit sabihin na malapit ito sa Gate 32," sagot ng boses na kilala ni Beth.

Sa mga mungkahi na iyon lalong nag-hinala si Beth na kilala niya ito. Hindi nga lang malinaw sa kanya dahil sa rami ng tao na kumakain sa kanyang karinderya. Nais sana niyang sumilip at masulyapan ang mukha nito pero alam niyang delikado ang sitwasyon.
"Ka-Jo, Pol handa na ang mga armas. Nakontak ko na rin si Boa at tapos na raw ang ruta ng mga AP(Android Police). May roon tayong isang oras para patayin ang limang aktibong kamera sa loob at labas ng Hangar." sabi ng isang babae. "Ok, Bola iwan mo muna sa mga mesa ang armas at tawagin ang dalawang gung-gong na nagbabantay." utos ni Pol ang pangalan ng taong nabosesan niya.

Narinig ni Beth ang paglabas mula sa kusina ng isang tao. Kinakabahan na siya at mabilis ang tibok ng puso. Dahan-dahang tumutulo ang pawis niya at tumataas ang presyon ng dugo. Inisip ng mabuti at maingat ang boses. Nasa dulo ito ng tuktok ng kanyang utak pero hindi pa rin niya malaman kung sino. Nanahimik ang kusina. Kaunting kaluskos at mabigat na paghinga ng sarili ang tanging niyang naririnig. Pinadausdos niya ang pintuan ng pinagtataguan para makasilip sa labas. Maliit na maliit lang pagitan na ginawa niya sa walang ingay na pagbukas nito. Gumalaw ng dahan-dahan si Beth para tahimik na maiobra ang katawan papunta sa maliit na pagitan. Isang linya na maliit na sinag mula sa labas ang sumalubong sa madilim na kinahihigaan. Sumilip siya rito nugnit wala siyang makita kundi ang puting marmol na sahig ng kusina at paa ng mesa sa gitna nito. Nakarinig siya ng yapak at dahan-dahan sinarado ang pintuan at kinagat ang mga labi para walang ingay na lumabas.

"Naibigay ko na sa dalawa ang mga kailangang armas at plano sa ating pagpasok sa Gate 32," sabi ng boses na parang siyang nautusan kanina. "Magaling, ngayon ihanda mo na ang sasakyan, may roon lang akong gagawin, hintayin niyo na lang ako sa labas at meron pa tayong 30 minuto bago nila maibalik ang kuryente." utos nito. Narinig niya ang nagmamadaling pagbagsak ng bota sa sahig at nawala ito sa distansiya. Narinig naman ngayon ni Beth ang palapit na palapit na hakbang kung nasaan siya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso na parang mahihimatay siya. Bumukas ang pintuan at sa ilalim ng maitim na kumot mahinang ilaw ang nakikita niya.

"Ate, alam ko nariyan ka lumabas ka at may limang minuto lang ako bago ako lumabas at tuluyan ng umalis sa planetang ito." sabi ng boses. Parang may pumutok na lobo sa loob ng kanyang puso. Alam na niya ngayon kung sino ang boses na iyon. Matagal na panahon na niya ito narinig dahil nabalitaan niya patay na ito. Inalis ni Beth sa ulo ang kumot. Ilaw na galing sa isang energy light bar ang sumalubong sa kanya. Lumapit ang isang mukhang hindi niya maala kung sino. Bakal na ang tuktok ng ulo at pula ang mga mata. Ngumiti ang mukha sa kanya at dito nagpapatunay na kanyang kapatid ito. Hindi makapagsalita lumabas si Beth sa ilalim ng hugasan. Mahihilo siyang sumalampak sa bakal na upuan sa mesa. "Ate Beth, alam ko gulat na gulat ka. Alam ko rin na magtatago ka diyan kahit sinabi kong walang tao rito." sabi ng kapatid ni Beth. "Bobi, hindi ba patay ka na?" tanong ni Beth na may takot sa boses. "Oo, Ate namatay ako at binuhay ng mga pirata. Sila ang nagligtas sa akin at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Naalala mo ang balitang pinasabog ang sinasakyan naming Talos Liner? Doon ako nasawi sa pagkakaalam mo pero pinalabas na lang na ganoon." kuwento ni Bobi. "Bakit ka hindi bumalik? Bakit kailangan mo sumama sa mga pirata?" tanong ulit ni Beth na ngayong naguguluhan. "Gaya ng sabi ko sa iyo, malaki ang utang na loob ko sa kanila, hindi nila ako pinabayaan mamuhay at binigyan nila ako ng panibagong simula sa aking dating mga pinapaniwalaan. Nahiwa ang tuktok ng bungo ko sa tumalsik na bakal mula sa pagsabog. Hindi ako makakita at uubusan na ng dugo. Sa bawat pagsalakay ng mga pirata kumukuha sila ng kahit sinong pasahero mula sa kanilang pinagnakawan. Binagyan nila ako ng buhay ngayon oras na tuparin ang pangakong paglalaban." patuloy na kuwento ni Bobi na hindi man lang pumikit. "Bobi, akala ko patay ka na, nanahimik na kami ng pamangkin mo, masakit sa kanya ang pagkawala mo dahil wala na nga siyang ama. Ngayon at nandito ka na ibang-iba na parang hindi na kita kilala. Hindi ka ba puwede na sumuko na lang sa mga awtoridad?" umiiyak na sabi ni Beth. Lumapit si Bobi at niyakap ang nakakatandang kapatid. "Kailangan ko nang umalis Ate, kung ano man ang pinaglalaban ko sa gobyerno o sa mga iba pang planeta wala ng makakapagbago ng isipan ko. Aalis na ko pero iiwan ko sa iyo ang ito." sabi ni Bobi at naglabas siya ng isang parang card ngunit bakal. "May laman ito na pera hindi ko alam kung gaano karami pero hindi ko nito kakailangan sa pagtalon namin sa kabilang galaxy, ito ang solusyon para makaalis ka sa karinderyang ito at matupad ang mga pangarap mo." sabi ni Bobi. Tahimik si Bobi na lumabas iniwan ang kapatid na umiiyak.

Sa huling pagkakataon para makausap ang kanyang kapatid walang sinabi si Beth. Nakalatag sa mesa ang manipis na bakal. Tumulo ang kayang mga luha at hindi man lang pinupanasan. Hindi maalis sa isip ang sinapit ng kapatid sa huling paghinto sa kanyang karinderya.

20050910

Borg

Ako si PROKOPYO.
Pinoy Cyborg.
Dating Sundalo ng Hukbo.

Nakipagbakbakan sa Iraq at nasabugan ng granada.
Warak ang kamay at paa.
Wala ng pag-asa ito ang sabi.
Halos hindi na makahinga.
Putok ang labi.
Labas ang bituka.

Pumasok si Dok may dalang injection.
Tinurok ito para hindi magimpeksyon.
Pinutol ang dalawang kong braso at binti.
Gusto ko na sanang maghiganti.

Pinatulog ako wala nang naalala.
Pag-gising ko bakal na pala.

Positronic Robotic Organism Keen on Online Peacekeeping and Yearly Observation

20050907

The Man who sold Manila

Bustling traffic, pollution, noisy crowds, rampant crimes and road hazards doesn't make Manila the finest capital in the world. In the eyes of one man, it was the worst. Born in Manila in the turn of the Millenium 44 year old Azzy Olran, constantly berates the city with hatred and irritably agape on how such a place exists. Forced to work in this place by his company, the traveling negotiator is now back after only a year abroad. He was such estatic when he left the place and was literally pugnacious when he learned that a trip back home was evident for him to stay in the company. Now stuck back here in the a place he avidly despises Azzy fails to compensate an irreversible action to the city.

Being a negotiator for you firm on a foreign country to theirs, connecting to the internet is a must. Broadcasting his findings in video feed board meetings and real-time communications with the bosses of the company. Global Feeds Inc. is a corporation seeking investments in hungry or poverty stricken countries it aims to give high quantity of consumable food for both people and animals. Azzy Olran never knew that a high salary doesn't compare on where you want to go. Other negotiators are lucky enough to stay put in Australia were the company is based.

When not working Azzy is an Internet addict. Surfing world news, blogs, sportscasts, and porn sites. However he usually takes a long time in his favorite website www.auctionsforaliens.com. Here he finds bizarre gadgets, alien conspiracy novels, tabloids, sand from Area 51, relics from ancient aliens and a lot of cool out of this world stuff. He has bought some interesting pieces like an alien painting and a supposed rock from the Moon. Although not entirely fascinated or believed that aliens exist it has become a stress reliever from the horrendous sceneries whenever he goes out on the streets.

A night after fighting with annoying pedestrians and uncautious public transport drivers, Azzy was finding himself adrift with his inconsumable rage of Manila. He logs on to his favorite site. USERNAME: manilahater PASSWORD: ********
Thinking of something that may make his day livable, he finds out that he had not put up any item for auction. He suddenly had an ingenious idea. He clicks on "Items for Sale" link on his user panel. He continued on to "Add Item" and found himself filling out the descriptions for the item to be auctioned.

ITEM NAME: City of Manila
DESCRIPTION: Manila or Maynila is the capital city of the Philippines. Beautiful centuries ago the city now did not overcome overpopulation, traffic congestion, pollution, and crime.
ITEM LOCATION: Philippines
DATE OF CREATION: 16th Century
AUCTION ENDS: 7/7/2044
PAYMENT: CASH
MINIMUM BID: $10,000,000.00
BUY NOW BID: $100,000,000.00

After submitting the item he previewed it and laugh his heart out. Dropping to his knees, tears flowing as he can't breathe of the sudden rush of hapiness in his system. Azzy dozed off to sleep, thinking that he would not be ruin another day of the City of Manila.

Azzy half-awake punch down his alarm clock bedside. Figuring it was the one thats making all the noise. Once again he has been awoken by the bickering of the outside world of Manila. Early morning honking of cars, children playing, mothers ranting, and neighbors fighting were the usual bunch. It was unusual that a rampaging loud knock was banging on his front door. He stood up and angrily opened the door. Outside where two neatly dressed fellows in suits. The one introduced himself as the United Coconut Islands Bank Manager and told that his companion is a chief security personel. Azzy wasn't sure he heard the words right when he was told that the bank was sent down to this address and $100,000,000 was sitting at the back of a gold-aluminum armored van outside. He was flummoxed on how could he possibly receiving this amount of money. Then it hit him last night as he was fooling around the internet he had auctioned off the city he had hated from birth.

Struggling to find words, the two men thought that silence meant an affirmative sign. They left the keys of the armored van on to his palm and walked away. He stood rooted like a tree on the spot his knees trembling with anxiety. With no logical thing to do, he connected to the Internet and logged on his account. The item was sold to a username themartianman he clicked on its profile. This person o whoever maybe has bought hundreds of seemly ordinary artifacts and items. Strangely feeling guilty for doing something weird he packed his bags, he was a millionaire after all and a the job seems quite worthless now.

On his way to the airport he vividly savors the moment that for the last time he was going to see the congestion, garbage, dirty streetkids, on-going road constructions, and bad memories of Manila. Not feeling it until it grew stronger a distant shaking was felt in Azzy's car. He thought it was an earthquake but he didn't feel the tilting aspect of it. It was broad daylight but the sky was getting darker. He got out the car what was a tiny speck in the clouds were multiplying in numbers. One by one hundreds of saucer like serated blades were coming down. He was at the border of Manila and Quezon City along Sta. Mesa. Without any warning or notice these saucers cut unto the pavement. Grinding and drilling impossibly without noise these small crafts worked its way easily like slicing butter with a hot knife. He didn't know what to do he was a meter away from them. People around him stupendously pondered on what heavens was happening. The saucers had disappeared in the depths of the area. Panic arose moments after cars and people now hurrying to get out the vicinity but Azzy still shocked failed to move or blink.

He was nonplus for a full five minutes scared at wits end. Realizing that people were fleeing and cars were not passing by that direction. He too came back into his car. On the radio he heard that thousand of saucers around Manila had been digging into strangely borders of neighboring cities. He didn't want to go in that direction either. As a sign of assurance he looked at his rear view mirror. The saucers now simultaneously got out of the hole they dug into and with them are lariats of what seems like a white string. In sync with each other they flew upward unto the sky as far man can see. Azzy was becoming more anxious, now he felt that he was responsible for this. He put his car on reverse and then slammed the accelerate pedal and break this wall of strings. He barraged head on but as the front bumper pounded on the white wall he just bounced back with equal amount of force. The ground was shaking once again now this time it felt different. Slowly he was rising, no he wasn't. The city was rising. Looking in between the gaps of the transparent wall he sees the top of a high building in eye level. Definitely they were going up.

Marred by an unforgiving conscience Azzy now was deep in thought on what will happen next. With a single click on the submit button he was joyous but if the consequence was taking the whole city of Manila why do he have to be in it when it happened.

20050905

Ayoko sa Grabiti

"Nay, bakit po kapag tumalon ako bumabagsak o bumabalik ako sa lupa?" tanong ni Gregg sa ina. "Kasi, mabigat ka anak at wala kang pakpak para lumipad." sagot ng ina. Hindi pa rin kontento si Gregg, pagpasok niya kinabukasan tinanong niya ito sa kanyang guro si Miss Inulit. "Gregg, kaya ka bumabalik sa lupa dahil may tinatawag tayong grabiti, isa itong force na naghihila ng bigat ng lahat ng bagay." ang sabi sa kanya ng guro.

Nakapanood si Gregg ng mga astronot sa telebisyon at nagmangha siya at lumilipad sila at hindi bumabalik pababa. "Nay tingnan mo! Nakakalipad sila sa kalawakan!" sigaw ni Gregg sa ina. "Anak, tumigil ka nga diyan at baka ikaw ang paliparin ko sa kalawakan." sagot na naiirata ng ina. Ngunit nakatatak na sa isip ni Gregg ang pangarap na makapunta sa kalawakan at maging isang astronot.

"Gusto bang pumunta sa kalawakan? Maramdaman ang pagiging walang bigat na lumulutang sa ere na walang hirap? Ito ang masuwerte mong araw. Naglabas ng patimpalak ang Hukbong Pilipinas na magpadala ng isang bata sa NASA para maranasan ito. Magpadala lang kayo ng dekuryenteng liham sa triptonasa@philairforce.com at sabihin kung bakit kayo ang nararapat na manalo." Ito ang nakita at narinig ni Gregg sa isang patalastas habang nanood siya ng telebisyon. Pinilit niya ang nanay niya na magpagdala sila ng DELI na galing sa kanya. "Gregg, sabi ko sa iyo diba na tigilan mo na ang tungkol diyan." galit na sagot ng nanay. Umiiyak at humahigikgik bumalik si Gregg sa kanyang kuwarto. Nakatulog sa sobrang pagod sa pag-iyak hindi niya na malayan na nasa kalawakan na siya.

"Gregg, ano pa ang ginagawa mo diyan sa loob? Hindi ba pangarap mo ang makalutang sa kalawakan?" sabi ng isang lalaki. Nagising si Gregg at nasa loob siya ng Challenger Space Shuttle. Lumingon siya sa paligid ngunit wala namang tao. "Gregg, tulog ka pa ba?" sabi ulit ng isang boses. Hinahanap ni Gregg kung saan nanggagaling ang boses, hindi niya alam na galing ito sa radyo ng kanyang space suit. "Hello, sino ka? nasaan ako?" tanong ni Greg na parang tanga. "Ako si Frereik Vogt, isang astronaut ng Alemanya nandito ako sa labas ng shuttle, nakadaong tayo ngayon sa bagong gawang Hubble Super Station malapit sa buwan." sagot ni Vogt boses na may kakaibang accent.
Buwan? Kalawakan? Hindi makapaniwala si Gregg sa narinig at nagmadali siyang naghanap ng pintuan palabas ng kalawakan.

Masayang lumutang si Gregg sa labas ng kalawakan. Nakakabit ang mahabang puting kable sa kanya para hindi siya lumayo. Masarap ang pakiramdam na walang humihila sa iyo pababa at walang pumpigil sa iyong paggalaw pataas. Ilang oras siya namalagi sa labas, isang 11 taong bata na malugod at walang iniisip na problema. "Gregg, pasok ka na at pupunta naman tayo sa buwan." sabi ni Vogt sa radyo. Bumalik naman kaagad si Gregg at inaantabayan ang pagpunta sa buwan.

Lumapag sila sa buwan gamit ang maliit na module. Maputi at matangkad pa la itong si Vogt sabi ni Gregg sa sarili. "Pupuntahan natin ang eksatong lugar kung saan inilagay ng mga Russo ang unang bandila." sabi ni Vogt. "Huwag kang lalayo sa akin at huwag ka masyadong magtatalon ng mataas dahil mahina ang grabiti ng buwan." paalaa ni Vogt. Sinundan ni Gregg si Vogt ng mabuti. Umaapak ng dahan-dahan sa buhangin ng buwan at nagiiwan ng imprinta ng kanyang maliit na paa. Natatanaw na sa malayo ang malaking bandila na may kulay asul, puti at pula na stripes.

Sa paglalakad nila may malaking bato ang nakaharang sa dadaanan nila na nakita pa nila na maliit sa malayo. "Iikutan lang natin ito sa gilid." sabi ni Vogt. Determinadong matatalonan niya ito. Tumakbo si Gregg. Hindi niya nararamadaman ang bilis dahil sa gaan ng mga paa. Palapit na siya ng palapit sa bato at sa lahat ng kanyang lakas tumalon siya. Sumama ang buong katawan niya sa malakas na lundag. Tumaas siya ng tumaas hanggang lumampas sa tuktok ng bato pero hindi na siya bumuba ulit. Kahit walang hangin sa kalawakan parang saranggolang iniihip si Gregg pataas. Tumingala siya at kadiliman ang nakikita niya. Yumuko siya at nakikitang kumakaway si Vogt na maraming beses. Wala na siyang magagawa. Nadala na si Gregg sa kalawakan. Nagsimulang umiyak si Gregg. Palayo na siya ng palayo sa buwan. Paliit ng paliit na ito hanggang hindi na niya ito nakikita. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi. Ang sabi niya sa sarili pero tanging boses lang niya sa loob ng space suit ang naririnig.

Nagising si Gregg. Pawis na pawis, basa ang kutson sa mapanghing ihi at mabilis ang tibok ng puso. Isang panaginip lang pala. Tumakbo siya papalabas at hinanap ang nanay. "Sorry po, Nay," at niyakap niya ang ina ng mahigpit na parang ang tagal nilang hindi nagkita.