Isang blog nagbibigay kulay sa mundo ng science fiction gamit ang maiikling kuwento na kesa sa wikang Filipino o Ingles.

20050910

Borg

Ako si PROKOPYO.
Pinoy Cyborg.
Dating Sundalo ng Hukbo.

Nakipagbakbakan sa Iraq at nasabugan ng granada.
Warak ang kamay at paa.
Wala ng pag-asa ito ang sabi.
Halos hindi na makahinga.
Putok ang labi.
Labas ang bituka.

Pumasok si Dok may dalang injection.
Tinurok ito para hindi magimpeksyon.
Pinutol ang dalawang kong braso at binti.
Gusto ko na sanang maghiganti.

Pinatulog ako wala nang naalala.
Pag-gising ko bakal na pala.

Positronic Robotic Organism Keen on Online Peacekeeping and Yearly Observation

20050907

The Man who sold Manila

Bustling traffic, pollution, noisy crowds, rampant crimes and road hazards doesn't make Manila the finest capital in the world. In the eyes of one man, it was the worst. Born in Manila in the turn of the Millenium 44 year old Azzy Olran, constantly berates the city with hatred and irritably agape on how such a place exists. Forced to work in this place by his company, the traveling negotiator is now back after only a year abroad. He was such estatic when he left the place and was literally pugnacious when he learned that a trip back home was evident for him to stay in the company. Now stuck back here in the a place he avidly despises Azzy fails to compensate an irreversible action to the city.

Being a negotiator for you firm on a foreign country to theirs, connecting to the internet is a must. Broadcasting his findings in video feed board meetings and real-time communications with the bosses of the company. Global Feeds Inc. is a corporation seeking investments in hungry or poverty stricken countries it aims to give high quantity of consumable food for both people and animals. Azzy Olran never knew that a high salary doesn't compare on where you want to go. Other negotiators are lucky enough to stay put in Australia were the company is based.

When not working Azzy is an Internet addict. Surfing world news, blogs, sportscasts, and porn sites. However he usually takes a long time in his favorite website www.auctionsforaliens.com. Here he finds bizarre gadgets, alien conspiracy novels, tabloids, sand from Area 51, relics from ancient aliens and a lot of cool out of this world stuff. He has bought some interesting pieces like an alien painting and a supposed rock from the Moon. Although not entirely fascinated or believed that aliens exist it has become a stress reliever from the horrendous sceneries whenever he goes out on the streets.

A night after fighting with annoying pedestrians and uncautious public transport drivers, Azzy was finding himself adrift with his inconsumable rage of Manila. He logs on to his favorite site. USERNAME: manilahater PASSWORD: ********
Thinking of something that may make his day livable, he finds out that he had not put up any item for auction. He suddenly had an ingenious idea. He clicks on "Items for Sale" link on his user panel. He continued on to "Add Item" and found himself filling out the descriptions for the item to be auctioned.

ITEM NAME: City of Manila
DESCRIPTION: Manila or Maynila is the capital city of the Philippines. Beautiful centuries ago the city now did not overcome overpopulation, traffic congestion, pollution, and crime.
ITEM LOCATION: Philippines
DATE OF CREATION: 16th Century
AUCTION ENDS: 7/7/2044
PAYMENT: CASH
MINIMUM BID: $10,000,000.00
BUY NOW BID: $100,000,000.00

After submitting the item he previewed it and laugh his heart out. Dropping to his knees, tears flowing as he can't breathe of the sudden rush of hapiness in his system. Azzy dozed off to sleep, thinking that he would not be ruin another day of the City of Manila.

Azzy half-awake punch down his alarm clock bedside. Figuring it was the one thats making all the noise. Once again he has been awoken by the bickering of the outside world of Manila. Early morning honking of cars, children playing, mothers ranting, and neighbors fighting were the usual bunch. It was unusual that a rampaging loud knock was banging on his front door. He stood up and angrily opened the door. Outside where two neatly dressed fellows in suits. The one introduced himself as the United Coconut Islands Bank Manager and told that his companion is a chief security personel. Azzy wasn't sure he heard the words right when he was told that the bank was sent down to this address and $100,000,000 was sitting at the back of a gold-aluminum armored van outside. He was flummoxed on how could he possibly receiving this amount of money. Then it hit him last night as he was fooling around the internet he had auctioned off the city he had hated from birth.

Struggling to find words, the two men thought that silence meant an affirmative sign. They left the keys of the armored van on to his palm and walked away. He stood rooted like a tree on the spot his knees trembling with anxiety. With no logical thing to do, he connected to the Internet and logged on his account. The item was sold to a username themartianman he clicked on its profile. This person o whoever maybe has bought hundreds of seemly ordinary artifacts and items. Strangely feeling guilty for doing something weird he packed his bags, he was a millionaire after all and a the job seems quite worthless now.

On his way to the airport he vividly savors the moment that for the last time he was going to see the congestion, garbage, dirty streetkids, on-going road constructions, and bad memories of Manila. Not feeling it until it grew stronger a distant shaking was felt in Azzy's car. He thought it was an earthquake but he didn't feel the tilting aspect of it. It was broad daylight but the sky was getting darker. He got out the car what was a tiny speck in the clouds were multiplying in numbers. One by one hundreds of saucer like serated blades were coming down. He was at the border of Manila and Quezon City along Sta. Mesa. Without any warning or notice these saucers cut unto the pavement. Grinding and drilling impossibly without noise these small crafts worked its way easily like slicing butter with a hot knife. He didn't know what to do he was a meter away from them. People around him stupendously pondered on what heavens was happening. The saucers had disappeared in the depths of the area. Panic arose moments after cars and people now hurrying to get out the vicinity but Azzy still shocked failed to move or blink.

He was nonplus for a full five minutes scared at wits end. Realizing that people were fleeing and cars were not passing by that direction. He too came back into his car. On the radio he heard that thousand of saucers around Manila had been digging into strangely borders of neighboring cities. He didn't want to go in that direction either. As a sign of assurance he looked at his rear view mirror. The saucers now simultaneously got out of the hole they dug into and with them are lariats of what seems like a white string. In sync with each other they flew upward unto the sky as far man can see. Azzy was becoming more anxious, now he felt that he was responsible for this. He put his car on reverse and then slammed the accelerate pedal and break this wall of strings. He barraged head on but as the front bumper pounded on the white wall he just bounced back with equal amount of force. The ground was shaking once again now this time it felt different. Slowly he was rising, no he wasn't. The city was rising. Looking in between the gaps of the transparent wall he sees the top of a high building in eye level. Definitely they were going up.

Marred by an unforgiving conscience Azzy now was deep in thought on what will happen next. With a single click on the submit button he was joyous but if the consequence was taking the whole city of Manila why do he have to be in it when it happened.

20050905

Ayoko sa Grabiti

"Nay, bakit po kapag tumalon ako bumabagsak o bumabalik ako sa lupa?" tanong ni Gregg sa ina. "Kasi, mabigat ka anak at wala kang pakpak para lumipad." sagot ng ina. Hindi pa rin kontento si Gregg, pagpasok niya kinabukasan tinanong niya ito sa kanyang guro si Miss Inulit. "Gregg, kaya ka bumabalik sa lupa dahil may tinatawag tayong grabiti, isa itong force na naghihila ng bigat ng lahat ng bagay." ang sabi sa kanya ng guro.

Nakapanood si Gregg ng mga astronot sa telebisyon at nagmangha siya at lumilipad sila at hindi bumabalik pababa. "Nay tingnan mo! Nakakalipad sila sa kalawakan!" sigaw ni Gregg sa ina. "Anak, tumigil ka nga diyan at baka ikaw ang paliparin ko sa kalawakan." sagot na naiirata ng ina. Ngunit nakatatak na sa isip ni Gregg ang pangarap na makapunta sa kalawakan at maging isang astronot.

"Gusto bang pumunta sa kalawakan? Maramdaman ang pagiging walang bigat na lumulutang sa ere na walang hirap? Ito ang masuwerte mong araw. Naglabas ng patimpalak ang Hukbong Pilipinas na magpadala ng isang bata sa NASA para maranasan ito. Magpadala lang kayo ng dekuryenteng liham sa triptonasa@philairforce.com at sabihin kung bakit kayo ang nararapat na manalo." Ito ang nakita at narinig ni Gregg sa isang patalastas habang nanood siya ng telebisyon. Pinilit niya ang nanay niya na magpagdala sila ng DELI na galing sa kanya. "Gregg, sabi ko sa iyo diba na tigilan mo na ang tungkol diyan." galit na sagot ng nanay. Umiiyak at humahigikgik bumalik si Gregg sa kanyang kuwarto. Nakatulog sa sobrang pagod sa pag-iyak hindi niya na malayan na nasa kalawakan na siya.

"Gregg, ano pa ang ginagawa mo diyan sa loob? Hindi ba pangarap mo ang makalutang sa kalawakan?" sabi ng isang lalaki. Nagising si Gregg at nasa loob siya ng Challenger Space Shuttle. Lumingon siya sa paligid ngunit wala namang tao. "Gregg, tulog ka pa ba?" sabi ulit ng isang boses. Hinahanap ni Gregg kung saan nanggagaling ang boses, hindi niya alam na galing ito sa radyo ng kanyang space suit. "Hello, sino ka? nasaan ako?" tanong ni Greg na parang tanga. "Ako si Frereik Vogt, isang astronaut ng Alemanya nandito ako sa labas ng shuttle, nakadaong tayo ngayon sa bagong gawang Hubble Super Station malapit sa buwan." sagot ni Vogt boses na may kakaibang accent.
Buwan? Kalawakan? Hindi makapaniwala si Gregg sa narinig at nagmadali siyang naghanap ng pintuan palabas ng kalawakan.

Masayang lumutang si Gregg sa labas ng kalawakan. Nakakabit ang mahabang puting kable sa kanya para hindi siya lumayo. Masarap ang pakiramdam na walang humihila sa iyo pababa at walang pumpigil sa iyong paggalaw pataas. Ilang oras siya namalagi sa labas, isang 11 taong bata na malugod at walang iniisip na problema. "Gregg, pasok ka na at pupunta naman tayo sa buwan." sabi ni Vogt sa radyo. Bumalik naman kaagad si Gregg at inaantabayan ang pagpunta sa buwan.

Lumapag sila sa buwan gamit ang maliit na module. Maputi at matangkad pa la itong si Vogt sabi ni Gregg sa sarili. "Pupuntahan natin ang eksatong lugar kung saan inilagay ng mga Russo ang unang bandila." sabi ni Vogt. "Huwag kang lalayo sa akin at huwag ka masyadong magtatalon ng mataas dahil mahina ang grabiti ng buwan." paalaa ni Vogt. Sinundan ni Gregg si Vogt ng mabuti. Umaapak ng dahan-dahan sa buhangin ng buwan at nagiiwan ng imprinta ng kanyang maliit na paa. Natatanaw na sa malayo ang malaking bandila na may kulay asul, puti at pula na stripes.

Sa paglalakad nila may malaking bato ang nakaharang sa dadaanan nila na nakita pa nila na maliit sa malayo. "Iikutan lang natin ito sa gilid." sabi ni Vogt. Determinadong matatalonan niya ito. Tumakbo si Gregg. Hindi niya nararamadaman ang bilis dahil sa gaan ng mga paa. Palapit na siya ng palapit sa bato at sa lahat ng kanyang lakas tumalon siya. Sumama ang buong katawan niya sa malakas na lundag. Tumaas siya ng tumaas hanggang lumampas sa tuktok ng bato pero hindi na siya bumuba ulit. Kahit walang hangin sa kalawakan parang saranggolang iniihip si Gregg pataas. Tumingala siya at kadiliman ang nakikita niya. Yumuko siya at nakikitang kumakaway si Vogt na maraming beses. Wala na siyang magagawa. Nadala na si Gregg sa kalawakan. Nagsimulang umiyak si Gregg. Palayo na siya ng palayo sa buwan. Paliit ng paliit na ito hanggang hindi na niya ito nakikita. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi. Ang sabi niya sa sarili pero tanging boses lang niya sa loob ng space suit ang naririnig.

Nagising si Gregg. Pawis na pawis, basa ang kutson sa mapanghing ihi at mabilis ang tibok ng puso. Isang panaginip lang pala. Tumakbo siya papalabas at hinanap ang nanay. "Sorry po, Nay," at niyakap niya ang ina ng mahigpit na parang ang tagal nilang hindi nagkita.

20050904

Jeepney Rockets

Huwag papalampasin sa Disyembre 2233 ang huling yugto ng World Jeepney Rockets Competition sa Batangas Rocket Circuit.

Jitney, Dyip, Jeepney, Jip ilan ito sa mga pangalan ng pinakamabilis na sasakyang pangkarera sa buong kalawakan. Sa kaunaha-unahang beses babalik ang WJRC sa Pilipinas pagkatapos ng isang dekada na palipat-lipat mula sa iba't ibang siyudad. Mas inaantabayan ng mga Filipino ang pagbabalik ng beteranong tsuper na si Billi Sangan na tubong Panay. Yamado siya sa puntos ng 50 sa lider na hapon si Kazaki Makato. Isang karera na lang ang natitira at kailangan siya manalo para makuha ang unang puwesto.

Malayo na ang narating ng desenyo ng Jeepney pero pinatili pa rin ang desenyo ng taong 2000. 18 hanggang 30 katao ang puwede mong isakay sa isang pampasaherong jeep at kung ano-anong kargado sa ibabaw nito. Gaya ng dati ganito pa rin ang desenyo ng mga pangkakerang jeep. Pinalitan ang mga upuan sa likuran ng dalawang malaking rocket boosters. Sa pagitan ng dalawang rocket nakalagay ang maitim at bakal na kaha. Nakakabit ito sa sa gilid ng rocket at dito nanggagaling ang sinusunog na enerhiya para makapaglabas ng bilis at tulin. Makikita naman sa ibabaw ang spoiler o jeepney fins kung tawagin nakakabit sa dulo nito ang maliit na antenna na nagsisilbing weather and road condition tracker. Mahangin ang jeep dahil sa malawak na butas o bintana sa likod nito pero ngayon nakasara ito para hindi makapasok ang ano mang bagay namakakaapekto sa rockets. Nakakalito naman ang mga sari-saring instrumento sa cockpit ng tsuper. Nasa gitna na ang steering wheel, sa kaliwa nito makikita ang digital output ng kalsada sa labas, sa kanan makikita ang bilis, gear, at radyo sa team. Marami pang maliit na buttons, dial, at levers ang makikita sa loob. Ilang dangkal pa rin ang laki ng windshield. Pumapasok ang bawat tsuper mula sa bubong, may roong hatch ito nanabubuksan. Ito rin ang emergengy exit nila kung sakaling may mangyaring sakuna. Katulad ng lumang mga jeep nasa harapan ang makina ng sasakyan iba lamang ito. Rockets ang primerong pampabilis o nagpapaandar sa jeepney nagsisilbing panghatak lamang o pampaganan ng mga instrumento ang makina. Gravity Pull Engine standard issue ang gingamit ng lahat ng jeepney. Iba-iba kasi ang gravity ng bawat siyudad sa kalendaryo ng karera. Nagpataw lamang ng patakaran na huwag masyado mabilis ang mga jeepney kung hindi mahihirap ang mga manood na makita ang karera. Gawa naman sa makapal na rubber ang mga gulong. Isang gamitan lamang ito sa bawat karera. Milimetro lang ang agwat ng puwang ng jeepney mula sa lupa. Nandiyan rin ang mga pangkaraniwang mga instrumento na ilaw sa harap at likod, radyo para sa kuminkasyon at tanke para sa hydrofuels. Makukulay pa rin ang mga desenyong nakapinta sa labas ng jeep, ornamentong wala sa mundo at walang kamatayang mga burluloy na komplikadong pagbibigay buhay sa jeep.

Nakatayo sa lumang Batangas Racing Circuit si Billi. Bumabalik sa isip niya ang pagkamatay ng ama sa circuit na ito noong nagmamaneho para sa koponang Pilipinas. Nagsisimula pa lang ang WRJC noon at kahit luma, delilkado at madulas sa circuit patuloy nilang ginawa ang karera. Nangunguna ang ama niyang si Raphel Sangan at 10 laps na lang at mananalo na siya. Hinahabol siya sa likod ng batang Amerikanong si Terry Rahal, dumating sila sa huling pakanan na kurba at biglang sumisid sa kaliwa ng ama niya si Rahal. Ginitgit ito ng ama niya kaso, ayaw bigyan daan ni Rahal. Pumihit pa kaliwa si Rahal at nasagi niya ang jeepney ng ama. Tumalsik sa kaliwa ang jeepney ng ama ni Billi. Wala na siyang kontrol rito, umikot ng dalawang beses at tumaob, kumaskas sa grabong lupa at tumatama sa matigas na collapsible wall. Hindi na naabsorb lahat ng pader ang lakas ng bangga at sira buong buo ang jeepney. Napipi sa loob ang ama niya at ito ang ikinamatay niya. Dalawang dekada ang nakalipas nagbabalik siya dito para ipakita sa yumaong matanda ang pagiging isang tunay na kampeon.

Hindi malayo sa lumang BRC ang Rocket Circuit. Naghihintay lamang si Billi ng pahintulot mula sa kanyang mga inhinyero at mekaniko bago lumabas para sa unang sesyon ng praktis. Pinaghalong berde at puti ang jeepney ni Billi. May malaking pinta ng watawat ng Pilipinas sa bubong at may tatlong kabayo sa hood ng jeep. Tinawag na siya ng Head Engineer at nagpalit na siya sa kanyang racing suit. Fire-proof ang suit na ito at parang wala kang suot pagnagmamaneho ka na. Binuksan na ang hatch sa bubong at pumasok na si Billi. Binuksan niya ang mga aparato at pinaandar ang jeepney. Tunog ng parang bentilador ang maririnig sa ilalim ng jeep. Gumagana na ang Grav-Engine. Inapakan niya ang kanang pedal sa baba na cockpit at naglabas ng maliit na apoy mula sa rocket sa likod. Pinantay niya ang bursts ng rockets sa pamamagitan ng dial sa taas ng iskrin kung saan nakikita ang kalsada sa labas. Lumabas ng garahe si Billi at dumiretso na sa trak. 120 km ang laki ng circuit, clockwise ang direksyon, may 5 intermediate na kurba, 3 speed traps, 2 chicanes, 2 hairpins at isang mahabang straight. Umaabot ang buong circuit mula sa Batangas hanggang ilang parte ng Laguna. Napapalibutan ng mga upuan ang circuit sa iba't ibang parte nito pinakamarami siyempre ang malapit sa finish line. Umaabot ng 2000 mph o mas mahigit ang pinakamabilis na jeepney rocket sa circuit. 2193 mph ang pinataw na pinakamabilis ayon sa rekord ng Lockheed SR-71A pero sa dami ng kurbada at kung ano-ano pa kalimitan mga 1000-1500 mph lang kanilang bilis.

Nagpraktis ng dalawang oras si Billi. Kinapa ang circuit at ang jeepney. Mainam ang pagtakbo ng makina at ng rockets sa likod. Mayroong kaunting understeer pero maareglo ito pagdating ng karera bukas. Bumalik na siya sa Pitstop para igarahe ang jeepney at makapagkutinting ang mga inhenyero. Nagmamaneho si Billi para sa koponan ng World Com Philippines Racing. Naitayo pagkatapos namatay ang kanyang ama hindi pa sila nanalo ng kahit anong kampeonato. 20 puntos lang ang lamang ng Honda-Toyota Supercar Racing ng Japan sa kampeonato sa koponan. Pinuno dito si Terry Rahal ang dating tsuper at ang kasama sa aksidente nila ng kanyang ama. Hindi pa rin makakalimutan ito ni Billi at alam niya na sinadya ni Rahal ito kahit gaano ilang beses niya na isang aksidente lamang ito. Naglalakad si Billi palabas ng garahe ng nakita niya si Rahal. Matanda na ito at nakikipagusap sa ilang inhinyero. Kalmado pa rin siya kahit gusto niya itong puntahan at sakalin. Hindi dapat pumasok sa isip niya ito pero matagal na niya ito gustong gawin noong pang nalaman niya sa simula ng taon na magiging pinuno si Rahal ng HTS Racing. Inaalis niya ang ganitong mga imahanisayon para mnakapagtuon at pukos sa karera kinabukasan.

Nagpilahan na ang mga tao umaga pa lang para makaupo. Nasa mga kanila-kanilang garahe ang 30 koponan. Ayon sa random grid generator ng kompetisyon nasa pang ika-45 na puwesto siya habang nasa ika-35 si Makato. Tatlong jeepney ang nasa bawat koponan, 90 na jeepney sa kabuaang field ng grid. Naglalaban sila para sa unang dalawampu na makakaraan sa finish line. 990 laps ang kanilang iikutin sa circuit o mga humiga't kumulang na 3 o hanggang 4 na oras na pagkakarera. 250 Puntos ang binibigay sa mananalo at 220 sa pangalawang puwesto. Sampung putos ang binabawas sa bawat puwesto pinakmamaba ang 20 puntos. 2440 ang puntos ni Makato habang 2390 naman si Billi. Hindi lang panalo ang kailangan kahit papaano dapat mas mataas na ang puwesto niya kay Makato para mapanulan ang kampeonato. Luminya na sa kanilang puwesto sa grid ang mga jeepney. Mahigpit na nakakapit sa kanilang mga steering wheel, kanyang kanyang kaba ang umiiral. Nagdasal muna si Billi bago pa man mag-berde ang kulay ng ilaw sa harapan nila at proteksiyon galing sa ama kung nasaan man siya.

90 sabay sabay na jeepney ang narinig na humarurot paalis ng starting line. Nakauna kaagad si Billi ng sampun puwesto nasa pang 35 na siya ngunit wala si Makato nakuna rin ito ng mas maraming puwesto. Pagdating ng una na kurbuda bumugal ang mga takbo nag jeepney, kaunting rebolusyon at maikling kaliwa, kanan tapos mahabang pakanan na kurbada. Mabilis na nangunguna si Makato at sabi sa kanya sa radyo nakakuwa na naman ng ilang puwesto. Nanatili sa 35 si Billi, nahihirapan siya mag-overtake sa mga jeepney dahil halos pareho lang ang kanilang bilis. Maraming parte sa circuit ka puwede mag-overtake pero kung pareho lang ang bilis ninyo mahirap ito. Pagkatapos ng mahabang kurbuda pakanan bumagal sila para sa isang chicane, at bubulusok puli sa isang mahabang diretso. Nakataas ng ilang puwesto si Billi mga dalawa dahil nagkamali sa pagharang ang nasa harapan niya. Ika-33 na siya. Sa dulo ng mahabang diresto may hairpin at babagal muli ang jeepney iikutin ito at biglang apak sa accelerate. Meron pa naman 990 laps sabi ni Billi marami siyang pagkakataon para makuha ang panalo. Nakaikot na siya ng 45 beses sa circuit. "Billi kailangan mong pumasok sa pit stop para magkarga ulit ng fuel at parang may tumatagas sa ilalim ng jeepney." sabi sa radyo. Sa dulo ng kanyang lap pumasok sa pits si Billi. Nagtagal siya doon ng isang minuto bago ulit makalabas. Bumalik ulit siya sa puwesto na 45 at narinig naman niya na pangatlo na si Makato ayon sa team.

Nakauna na naman si Billi ng 20 na jeepney sa 800 laps. Nasa 25 na siya at 145 laps na lang ang natitira. Nasa unang puwesto na raw si Makato at parang walang makakahabol sa kanya. Pinilit ni Billi ang sasakyan na pabilisin kahit delikado ito, nakakabawi naman siya ng oras kay Makato. Sa huling pit stop niya sa markadong 100 lap, nagpalagay na siya ng fuel na magpapaabot sa kanya hanggang sa checkered flag. Lumabas na humaharurot si Billi dahil sa mas mabigat sa fuel nagkaroon ng understeer ang sasakyan. Nilabanan ito ni Billi at ng narinig niya na pumasok si Makato sa pits lalo pa niya ito binilisan. Galing sa 35 paglabas ng pits nakalaktaw ng 25 puwesto si Billi. Ngayon nasa top 10 na siya. 45 laps na lang ang natitira at dapat makarating siya sa exit ng pits bago makalabas si Makato. "Isang minuto na lang agwat, Billi habulin mo." Dumadating sa huling hairpin bago sa mahabang straight, pinagana niya ng full blast ang rockets. Napatulak patalikod si Billi sa lakas at bilis ng rockets. Pumitik ng 2000mph ang gauge at naunahan niya si Makato sa unang kurbada. Lumabas itong si Makato sa likod niya. Kung manatili sila sa kanilang mga puwesto mananalo pa rin si Makato. Inaantala ni Billi ang bawat galaw ni Makato para hindi siya malampasan. Unti-unti siyang lumalapit sa ika-siyam na puwesto. 40 na laps na lang, pumihit sa kanan si Billi at pumihit din sa kanan ang nasa harap niya. Pumeke si Billi na kakanan at kumagat ang pulang jeepney sa harap. Biglang kinabig ni Billi sa kaliwa at naunahan niya ito. Naunahan niya ang bawat nasa harap niya sa iba-ibang galaw. Naunahan niya sa turn 4 ang pang-walo, sa chicane 2 ang pang-pito, sa hairpin 2 ang pang-anim, sa straight 2 ang pang-lima at apat. Dalawang puwesto pa rin ang lamang niya kay Makato. "Billi, parang hindi aabot ang fuel mo hanggang sa finish line." sabi sa radyo. "Hindi ako puwedeng pumasok at mawawalan tayo ng oras para makahabol pa, kakayanin ko ito hanggang maubos!" galit na sabi ni Billi. 20 laps na lang ang natitira nasa pangatlong puwesto na siya at habang nasa pang-anim si Makato. 2 minuto ang lamang ng race leader at 1 minuto naman ang pangalawang puwesto.

Hindi na makaovertake pa si Billi dahil tinitipid niya ang fuel at ang rockets sa huling harurot sa pinakamabilis na parte ng circuit habang naipit naman si Makato sa ika-anim na puwesto. Pababa na ng pababa ang mga laps 19,14,10. Nanatili pa rin sila sa kanilang mga puwesto alam ni Makato na mananalo siya sa kasalukuyan na posisyon at wala namang ibang pagawa si Billi kung hindi magbagal. Ipit na si Billi kung bibilisan niya baka hindi siya makaabot kung pinatili ang kanyang puwesto matatalo siya at mawawala ang pagkakataon na mapanalunan ang kampeonato sa driver. "Billi, ito lang ang paraan. Kung hindi ikaw ang mananalo ang koponan na lamang ang mananalo." sabi ng head engineer sa radyo. Masakit ito pakinggan ngunit ito katotohanan. Sa natitirang mga laps naghinay lang si Billi pero ng pumatak ang huling lap bigla siyang nagpatakbo ng mabilis. "Billi ano ang ginagawa mo, baka hindi ka matapos!" galit na sabi ng inhneryo sa radyo. "Matagal ko ng pangarap ang manalo boss, pero kung hindi ako susubok parang sumuko ako itinapon ang aking pangarap." sabi ni Billi. Humarurot sa 2000mph ang jeepney ni Billi, kinukuha ang mga kurbuda ng napakabilis. Naririnig na niya na nahihirapan ang makina at sasakyan. Halos wala na ang kanyang fuel at laspag na ang mga rockets. Nagulat si Makato at pinilit sabayan si Billi sa bilis ngunit huli na ang lahat hindi niya ito mahahabol pa. Nakikita na ni Billi ang maliit na tuldok sa malayo ito ang pangalawang puwesto. Binilisan niya pa ito nilalaban ang understeer ng jeepney. Pagkatapos ng turn 5 naovertake niya ang pangalawang puwesto. "Isang minuto na lang ang layo mo sa unang posisyon." haginit ng radyo. Bumulusok pa ng mas mabilis ang galit at determinadong Billi, naabutan niya sa hairpin ang itim na jeepney. Hindi niya ito naikutan dahil mabilis din ang dating nito. Nakabuntot na siya ngayon dito, nararamdaman na niya ang pugak ng rockets. Parang aso't pusang naghahabulan ang dalawang sasakyan pero hindi pa rin malampasan ni Billi. Umabot na sila sa huling kurbada at parang hindi na kaya ng makina ni Billi. "Umabot ka sige na, sige na.."sabi niya habang inaapakan ng inaapakan ang pedal ngunit ayaw ng humarurot. Nakita niyang naghiyawan ang mga tao dahil nakalampas na ang itim na jeepney sa finish line. Kaunti na lang at mananalo na rin siya dahil nasa likod si Makato. Desperadong gumana ang pedal, hinampas niya sa steering wheel ang mga kamay at biglang bumulusok ito ng mabilis na mabilis. Tumutilin ng tumutulin hindi na gumagana ang preno. Pataas na ng pataas ang bilis sa gauge 1000,1250,1500,200mph. Hindi na niya makontrol ang steering wheel. Nakalampas na siya sa finish line pero ayaw pa rin tumigil. "Billi, Billi tumigil ka kung hindi bababanga ka!" nagpapanik na sabi ng head engineer. "Ayaw, kumagat ang preno!" sigaw ni Billi. "Eject, Eject!" ilang metro na lang at nandiyan na ang pader!" patuloy na sabi ng engineer. Hindi na napindot ni Billi ang eject button. Sumalpok siya sa pader halos 2000mph ang bilis. Piping pipi ang harapan at ilang katao ang namatay. Inilabas ang lasog-lasog na katawan ni Billi Sangan sa jeepney. Walang buhay, namatay siya na hindi nalaman na lumampas siya sa limit ng kompetisyon at natanggal sa karera. Napakasama ng hinatnan niya pero sa ilang sandali naramdaman niya kung paano naging tunay na kampeon.

20050902

Isla Buko

Paralisado ang mundo sa kakulangan ng tanim, prutas, at ano pang halaman na mapagkukuhanan ng pangangailangan. Umaasa na lang sila sa mga likha ng food cloner na gumagamit ng taste enhancers at food molders para maihugis at mailasa ang lumalabas na nakakain na rubber. Nakalagay kasi ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga prutas at tanim ng mundo sa iisang kompyuter at ito ang pinagkukuhanan upang makagawa ng organikal na pagkain para sa buong mundo.

Likas na magaling magpangalaga ang mga Filipino sa isang isla malapit sa Old Visayas nakatalaga ang Island of Preservation of Coconuts o Isla Buko. Itinuturing ito ang natatanging halaman at puno na nakatindig sa mukha ng planeta. Naubos na lahat ng mga tao ang natural na puno at hindi man lang naisipan palitan ito sa bawat pagkuha. Nakapalibot sa isla ang malaking bakod na may mataas na voltahe ng kuryenteng nuklear at dalawang malaki animong parang pinagtambal na Anfiteatro Flavio ng Rome at ang Araneta Superdome ang nasa gitna nito. Sa loob makikita ang gubat ng buko, artipisyal na araw at ulan. Nagsisimula na ring silang mageksperimento sa lupa sa labas ng pasilidad. Pinamamahalaan nito ni Dr. Jopet Lasa isang dalubhasang sayentipiko at ilang eksperto sa buko. Mataas din ang seguridad dito dahil maraming bansa ang gustong makuha ang islang ito. Ilang kalapit na bansa ang nagpresenta ng karagdagan na proteksyon sa pangakong may kapalit na ilang puno ng buko. Patakaran ng isla na ito na walang ilalabas na halaman o puno kaya wala silang magawa kundi tumanggi. Hindi nasisilaw sa pera o ano mang kayamanan ang puwedeng maging lagay sa pagbibigay ng puno o impormasyon sa loob. Tapat sa kanilang tungkulin na maipreserba para sa kinabukasan ang halamang buko. Idineklara rin ng gobyerno na isang hiwalay na estado ang Isla na mayroong 25,000 na residente. Protektado ang kapaligiran nito ng sundalo ng Pilipinas at ng Universal Nations.

Marami rami na rin ang nagtangkang pasuking ang pasilidad ng Isla Buko. Taglay nito ang pinakanatural na puno at bunga sa buong mundo. Nagtitiis ang ibang bansa sa food cloners at organic manipulators sa madaling salita gutom o hindi pa nakakain ng natural na pagkain ang mundo. Isa sa mga naghahangad na manakop ang Taiwan, ilang beses na silang nagbigay ng proposisyon upang protektahan ang Isla pero tinanggihan lang ito ng gobyerno at ng isla. Desperado silang makakuha ng kahit isang puno para gamitin sa kanilang riserts at mapanghawakan ito. Protektado ng mga batas ng Universal Nations ang Isla Buko kaya walang bansa ang gustong sapilitang sakupin ang Isla.

Kahit may maliit na gubat na sa loob ng isla naturing napakababa pa rin ng produksiyon nito dahil sa mga artipisyal na araw at ulan. Masuwerte ang bansang Pilipinas dahil kalahati sa mga mamamayan ang nakakain ng buko at nagagamit ang iba't ibang produkto na magagawa rito. Ito ang dahilan ng mabilis ng pagdami sa bagong kapitolyo sa Cebu pagkatapos lumubog na buong Luzon dulot ng malakas na tsunami. Lumalaki ang populasyon ng bansa na banyaga kaya pinahintulutan ang lahat na dumadating na hovercraft mula sa ibang bansa. Nagmistulang Coconut Country ang tawag sa Pilipinas at tumaas ang pangangailangan ng buko. Dumating ang balitang ito sa Isla na negatibo. Kulang ang mga puno para makatapat sa demands ng taong mundo. Nagkarelusyon ang pasilidad na paikliin ang produksiyon at pumokus sa riserts kung paano papalakahin at pabilisin ang pag-aani. Naglabas ng press release ang Isla galing kay Dr. Lasa. "Hindi kami natatakot at titinag sa mga bansang gusto kaming sakupin. Protektado kami ng batas ng mundo at wala kaming itinatago o ipinagdadamot sa mundo."

Narinig ang boses ni Lasa sa buong mundo, marami ang nakaramdam ng galit at pagkainggit sa mga binitiwang mungkahi. Nadama ito lalo ng mga karatig na bansa na hindi nabibigyan ng kahit anong produktong lumalabas sa isla. Nagsanib ng lakas ang Taiwan, Indo Guinea, Chipan, at Soviet India sa pagsakop sa isla. Ipinatupad noong 2124 ang No-War Act Policy. Ibinabasura nito ang lahat ng pagpapalas ng militar at armas ng isang bansa. Limitado ang bawat bansa na magsaliksik ng bagong teknoloji sa armas at nakataling ang kanilang kamay sa likod sa pagkuha ng mga sundalo. Ngunit sa mga bansang nasabi nagpapalakas sila ng puwersa para sa aksiyon na gagawin nila bago matapos ang taon. Naniniwala ang bagong tatag na Hunger-Free Earth na tama ang ginagawang hakbang ng mga militanteng bansa para magkaroon ng paghahati sa pangangailangan ng buko.

Binalaan ng UN ang mga bansa nagtatangka sa Isla Buko na ibaba ang kanilang armas. Hindi nakinig ang mga bansa at bago pa man matapos ang taon nagsimula sila magalaw ng tao at magsanib ng puwersa. Sumali rin ang Kingdom of Saudi East, Germania, at English Scandanavian na mga bansa sa pagsanib na pagkuha ng napakaliit na isla. Naglabas ng pinal na babala ang UN at binantaan ang kanilang mga bansa na matanggal ang akreditasyon mula sa organisasyon. Walang pumansin sa UN at sa bansang Soviet India nagtagpo ang lahat ng hovertanks, robot at human infantry, hoverbattle crafts, gravity shield tanks, sonar jets at bombers at nuclear mobile silos. Nagtataka ngayon ang Isla Buko kung ano ang gagawin nila. Bakit nanghuhumaling ang buong mundo sa kakaparisong lupa na may tanim. Alam naman nila na hindi ito mabubuhay sa labas ng coliseum at ng Isla. Ito ang pinaka mabunga at matabang lupa na natitira sa mundo. Ginagawan naman ng paraan ng Isla na makipagbigay sa lahat pero hindi puwede at maaubos ito ng walang isang taon.

Naging kasunduan na sa pagitan ng UN at ng Pilipinas ang pagpreserba ng bansa at ng isla sa mga mananakop o agresibong namimilit isuko ang Isla. Nagmobilisa rin ang UN at nilikom ang mga bansang boluntaryong magprotekta sa Isla Buko. Sumang-ayon ang karatig na bansang Kaharian ng Brunei, South American States of Mexico at Ice Countries sa South at North Pole. Naging tahimik naman ang dating malaking kaalyansa ng Pilipinas ang Union of American and Canadian States Republic. Nagkikita sa New Mindanao ang mga bansa kasama ang kanilang nalikom na armas. Mas kaunti ang armas nila dahil sumunod sila sa No-War Act Policy ng UN pero kahit papaano nakakuha sila na sapat sa bawat sundalo.

Istelmeyt pagdating ng buwan ng Disyembre. Naghihintayan ng galaw ang bawat panig habang tuloy naman ang buhay sa loob ng Isla Buko. Tikom ang kanilang mga dila sa isa't isa at mataas ang tensiyon sa bawat kompetisyon labas sa pakikipagdigma. Nagsimulang gumalaw ang pangkat Hunger-Free Earth sa iba pang bansa upang sumali sa rebolusyon na magbabago sa kagutuman sa mundo. Nagbigay sila ng ultimatum sa Isla Buko at Pilipinas. Isuko niyo ang inyong mga puno at walang masasaktan kung hindi mapipilitan kaming sumugod mayroong kayong 48 na oras para magdesisyon.

-General Santos, unang bahagi ng Ang Digmaang Buko.