Isang blog nagbibigay kulay sa mundo ng science fiction gamit ang maiikling kuwento na kesa sa wikang Filipino o Ingles.

20060905

Halaman sa Mars

Inararo ni Mang Jose ang lupang matigas, mabato at walang katabaan. Daan-daang na hanay ng tinamnan ng palay ang makikita sa ilang metro. Ginagamitan ng irigasyon para sumipi ang tubig kahit mahirap itong sipiin ng lupa. Matagal ng nakatalaga sa Mars Base si Mang Jose. Sa kanyang katanyagan at pagkadalubhasa sa mga halaman at prutas sinubukan niya kung makakatubo ba ang mga buto sa mabuhangin at mapulang lupa ng Mars.

Halos magsasampung taon na siya sa base at pinababayaan naman siya ng mga kapwa sayentipiko na gawin ang kanyang munting proyekto. Mula sa pagtatanim ng maliit na mongo sa paligid ng base, unti-unting lumawak ang kanyang inaasahang pagtubo ng mga halaman. Lumikha siya ng mga ispesyal na kagamitan para makapag-araro at mahukay ng husto ang lupa. Gumawa rin siya ng makina na nagtutuhog ng tubo sa ilalim ng lupa para ipasok ang tubig. Ayon sa kanyang obserbasyon nasisipi lamang ng lupa ang 50 porsiyento ng tubig at naglalaho naman sa kalawakan ang kalahati nito. Ilang taon bago niya napagana ang paglagay ng tubig sa ganitong paraan. Mula sa Earth nagpapadala siya ng iba't ibang buto ng tanim. Gulay, prutas o halaman lang susubukan ito ni Mang Jose itanim sa isang buwan at kalahati. Unang tinanim niya ang palay at wheat. Nag-araro siya ng mga hanay para rito ilang metro ang layo sa base. Mag-isa lang siya kung magtanim at hindi pinapalampas ng tatlong hanay ang bawat tanim. Sumunod ang pagtanim ng sili, kamatis, mais, malunggay, patatas, cassava, ubas, pinya, talong at marami pang iba. Nagtutusok siya ng karatula para magsilbing palantandaan at linya kung ano ang nakatanim sa bawat hanay.

Araw-araw siyang lumalabas sa base at dinidiligan o pinapaagos ang prosesadong tubig mula sa munting tanke na naipon sa ilang linggo. Hangarin ni Mang Jose ang makapagpatubo ng mga halaman, puno at tanim sa natural na kalikasan ng planetang Mars. Walang oxygen na nalalanghap ang mga halaman kaya komplikado ang proseso kung makakapagpalaki ng halaman sa mukha ng Mars. Ito ang plano para baka kung sakali na makapagpalabas ng oyxgen galing sa mga halaman. Isa sa mga problema rin ni Mang Jose ang kawalan ng ulap, ulan at araw. Nandiyan ang araw ngunit hindi matansiya kung makakabuti ito o makakasama sa mga halaman. Mahirap man gawin ipinagpapatuloy niya ang pagtuklas sa pagpapalago ng natural na puno at halaman sa planeta.

Masuwerte si Mang Jose dahil nakapagpalaki na siya ng halaman ngunit sa loob ito ng base at gamit ang matabang lupa galing sa Earth. Kapag dumating ito sa sapat na laki sa kanya niya ito ilalabas. Dalawang halaman ito una ang saging at bulaklak ng rosas. Umusbong na ang mga talulot ng bulaklak ng rosas at nagbunga na ang unang saging sa artipisyal na kondisyon sa loob ng base. Ilalabas na niya ito sa unang pagkakataon. Nakalagay sa malaking mga plastik na selyadong cylinder nagpatulong siya sa ibang kasamahan upang itanim ito. Suot-suot ang masisikip na space suit lumabas ang limang tauhan galing sa base. Karga nila sa isang gumagalaw na metal na kariton ang mga cylinder kung nasaan ang mga halaman. Ilang unos ang dapat malampasan para maging matagumpay ang paglalagay ng mga halaman. Ilang metro mula sa base ibinaba na nila ang mga cylinder. Nilapag ito sa isang parte ng lupa na malambot at nabungkal na ng nakaraan. Tinanggal ni Mang Jose ang takip sa ilalim ng halaman. Bumuhos ang buhangin nito sa butas at nahulog ng pirme. Inaayos ng mga kasamahan ni Mang Jose ang
pagpipi ng lupa. Sa unang mga araw hindi nila tatangalin ang cylinder susubukan lamang nila kung uusbong ang puno ng saging na nakatindig sa halong buhangin ng Earth at ng Mars. Nilapag naman sa kaliwa nito ang hanay ng tanim na Rosas. Katulad ng ginawa sa saging nakabungkal na rin ang mga lupa upang mailagay na lang ng mas madalin ang halaman. Kahit selyado ang cylinder naiisip nila ang mabangong amoy ng mahalimuyak na bulaklak. Katulad rin ng ginawa sa naunang halaman iniwan nila na nakalagay pa rin ang cylinder at babalikan na lang pagkatapos ng tatlong araw na obserbasyon mula sa itinamin na kamera sa palibot ng parehong halaman.

Lumipas ang dalawang araw at walang nagbago sa parehong halaman. Masama ang kutob ni Mang Jose na hindi magiging tagumpay ang kanilang proyekto. Nagsimula na siya ngayon na maghanap ng iba pang buto sa mga bagong dating na kargo mula sa Earth. Dumating ang kinabukasan at handa na sila tanggalin ang cylinder sa mga halaman. Wastong tinabi ng mga tauhan ni Mang Jose ang plastik na cylinder. Walang hangin, walang oxygen at walang tubig ang sumalubong sa mga halaman. Parang tuyot na irigasyon ang tubig na dumadaloy dito. Nagobserba sila ng ilang minuto at nagdesido na bumalik sa base. Binanangugot si Mang Jose noong kinagibihan dahil hindi maalis sa isip niya ang mga halaman. Bakit kaya ayaw nilang lumaki ginawan ko na lahat ng paaran. Bumangon siya at pumunta sa kuwarto kung saan pinapanood ang mga resepsyon ng kamerang itinalaga sa labas ng base. Bukas ngayon ang mga ilaw sa paligid nito at madilim pa rin ang langit. Hindi maaninagan ng sikat ng araw ang saging at rosas sa tatlong araw. Sa ilalim ng bawat halaman may maitim na batik na ngayon niya lang nakita. Pinapokus niya sa isang binatilyong teknisiyan ito. Ilang pagpalapit bago nahalata ni Mang Jose na gumagalaw ang maitim na batik. Nagtaka siya kung ano ito. Pinalapit pa niya ito. Nanglaki ang kanyang mga mata parang mga langgam o insekto ang gumagalaw sa pagitan ng lupang galing sa Earth at ang pulang buhangin ng Mars.

Nagmadaling lumabas si Mang Jose ng base hindi man lang ginising ang mga kasamahan sa nadiskubre. Maya-maya dumating na siya sa puno ng saging. Gamit ang microlens tiningnan niya ng mabuti ang mga maliit na itim na tuldok sa lupa. Kinakain nila ang puno ng saging gamit ang kanilang bungagang maliit na halos kalahati ng kanilang katawan. Kasinglaki ang insekto ng langgam, may apat na paa at malaking bunganga. Nakakapagtaka kung saan nito dinadala ang kinakain at maliit lang naman ang pangangatwan nito. Marahil kailangan niyo itong sundan. Linya linya ang haba ng mga langgam mula sa puno ng saging at rosas umaabot ito ng milya. Nakalimutan na niyang bigyan ng patnugot ang base ukol sa kanyang lokasyon. Nalimutan na niya ito sa kanyang pagsunod sa mga insekto.

Nakakapagtaka na hindi siya pinapansin ng mga malanggam na insekto. Patuloy lang sila papunta sa puno ng saging para kainin unti-unti at pati na rin ang rosas. Mahalagang malaman niya kung ano ang implikasyon ng pagkain ng mga halaman. Likas sa isang halaman ang mamatay sa kakulangan ng oxygen. Nagsisimula itong mabulok pagkatapos ng isang linggo ayon sa kanyang mga obersbasyon. Hapo na siya sa pagod at pagkawala ng hininga pero pinagpatuloy pa rin niya ang paglalakad sa pagsunod sa nadiskubreng insekto. Sa malayo parang may naaninag siyang pigura pero kulang pa ang liwanag galing sa araw para malaman niya kung ano ito. Alam niya na kulang ang sarili niyang oxygen para makabalik pa sa base pero hindi siya mapakali sa natanaw na pigura. Palapit na siya ng palapit sa pigura at parang dumarami ito. Sumulpot ang isa o dalawa sa magkabilang gilid nito at parang korteng puno. Tinahak parin ni Mang Jose ang matigas at kung minsan malambot na putik ang buhangin ng Mars. Nasa tabi pa rin niya ang mga langgam na sinusundan. Hinihingal na si Mang Jose at nararamdaman ang kakulangan ng kanyang sariling hangin wari sinasabing napakatanga niya at hindi siya nagiwan ng mensahe sa base. Lumalapit na siya sa mga pigura. Madilim pa rin ang paligid at lalong nahihirapan siya sa paglakad. Bumibigay na rin ang munting flashlight na may takdang oras bago maubasan ng liwanag.

Namatay ng tuluyan ang flashlight. Hindi na niya makita ang mga langgam at ang dinadaanan pero sumulong parin si Mang Jose. Unti-unti ng nawawala ang kanyang lakas. Nasa isip niya na malapit na ang mga pigura sa dilim. Mabigat ang bawat hakbang. Mula sa hakbang naging paluhod na gapang. Hanggang mga siko na lang ang kanyang ginagamit. Puro basurang hangin na ang hinihinga niya. Gusto na niyang tanggalin ang helmet ng space suit. Tinanggal niya ito iinisip na mamatay din lamang siya. Kadilimang hindi maipipinta ang sumunod sa pagpikit ng kanyang mga mata. Isang nakakasilaw na sinag ang gumising kay Mang Jose. Binuksan niya ang kanyang mga mata. Langit na ba ito tanong niya sa kanyang sarili. Sa paglingon niya sa likod isang gubat ng mga puno ng saging at amoy ng bango ng rosas. Umaninag ang mga hiyas ng araw at dumampi sa kanyang mata. Nasilaw siya at sa kaunting espasyo sa tabi ng mga rosas nakakahinga na ng malaya si Mang Jose, nagdadalawang isip pa rin kung magtatagal ang nakakginhawang buga ng oxygen mula sa kanyang mga baga.

[rebiso ng naunang kuwento sa Sayens Piksiyon at naglathala ng bagong katapusan]

20060903

Sakang Bakal

Bumulagda sa harap ng Departamento ng Agrikultura si Peping. Tinapon siya ng dalawang guwardiyang asul ang uniporme. Pang labing limang beses na siya nahahantong sa ganitong sitwasyon. Kasapi si Peping sa Alyansa ng mga Magsasaka sa Pilipinas. Matagal na kasing itinataguyod ng kanyang organisasyon na ibalik ang dating pamaraan ng pagsasaka at ibasura ang mga mekanikal na robot na gumagawa ng kanilang trabaho. Ipinatupad ng gobyerno ang Robot Farmer act noong 2020. Nakasaad dito ang pagtalaga ng mga robot na magsasaka at palitan ang mga lokal na mamamayan para sa mas mabilis na produksiyon ng agrikultura sa bansa. Maraming naapektuhan na magsasaka lalong lalo na ang galing sa mga maliit na bayan na kung saan ito lamang ang pangunahing hanapbuhay. Wala nang tiempo muerto dahil habangbuhay ng patay ang kabuhayan.

Ngayon araw na ito hindi man lang nakaapak sa loob ng opisina ng kalihim si Peping. Noong unang beses pinagbigyan siya na sabihin ang hinaing. Sa haba ng kanyang makahabag-damdaming talumpati sa harap ng kalihim walang sinabi ito kundi ang
"salamat po kung mararapatin niyo lang na magsulat ng pormal na reklamo sa departamento kausapin niyo ang sekretarya sa labas". Wala man lang siya sinabi tungkol sa problema ng matinding kahirapan at kawalan ng hanapbuhay ng mga magsasaka. Kung meron lang sana ginagawa ang gobyerno sa mga napektuhan ng batas. Walang silang siguradong maririnig na reklamo. Nagpatuloy si Peping sa kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng alyansa na makipag-usap sa kalihim sinunod din niya ang payo nito at daang-daang kasulutan na ang naibigay niya. Pitong taon na niya ito ginagawa, dalawang beses lang siya sa isang taon nakakaluwas mula sa probinsiya ng Isabela dahil sa kakapusan ng pondo ng Alyansa. Ikawalong taon na niya at ikalabimlimang pagsubok na makamit ang kanilang inaasam na reporma at tulong mula sa gobyerno. Wala ring magawa ang mga haciendero at haciendera dahil nasasakop sila sa batas na ito, kahit ayaw nilang gumamit ng robot napilitan sila dahil malaking halaga ang ibubuwis nila kung ayaw nilang sumunod. Kaya wala talagang mapupuntahan ang mga magsasaka.

Marami na ang lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho pero bumalik din sila dahil walang kumukuwa sa kanilang kahit bilang katulong lamang. Naging mangingisda ang ibang magsasaka. Kaya napilitan silang lumisan sa malulupang bayan patungo sa malapit
sa dalampasigan. Pero nanganganib din na mawala ang hanapbuhay na ito dahil sa napipintong batas ng "Fishing Robot Act" na maipapatupad ng walang dalawang taon. Nawalan din ng trabaho ang mga guro na nagtuturo tungkol sa pagsasaka, mga ahensiya na tumutulong sa pagsasaka, mga opisyal sa gobyerno na bihasa sa pagsasaka. Hindi sila katulad ng mga totoong magsasaka na ito lang ang alam sa buhay. Patuloy pa rin si Peping kahit mahina, maysakit at tumatanda na sa kanyang hangarin na mabigyan ng kaukulang pansin ang magsasakang Filipino. Tumaas man ang produksiyon ng agrikultura sa bansa, natulungan man nito ang ekonomiya nawala naman nito ang paglilingkod sa taong bayan.

Babalik na naman si Peping sa kanyang bayan na walang dalang magandang balita. Sa palagay niya mamatay siya na hinding makikita na bigyan ng pagkakataon ng gobyerno ang mga magasasaka na mamuhay uli ng simple, matiwasay at binibigay ang dugo't pawis sa paglilingkod sa bayan. Umaasa pa rin siya na sa susunod na pagbalik dala na niya ang pag-asa at balitang hinihintay na marinig sa nakalipas na pitong taon.

[mula ang orihinal na maikling kuwento sa sayenspiksiyon.motime.com nagbago rin ako ng ilang mga pagkakamali]

20060901

Mensahe

To: President Lacson
Fr: Departmento ng Nasyonal na Depensa

Kataastasan na Pangulo:
Sa paglapit ng Tsina sa ating mga border naglabas ang bawat departamento ng kanilang boto at dahilan sa pagdeklara ng gera sa bansang Tsina.

Agrikultura: Hindi. Sa isang gera masisira ang ating mga tanim at lalong baba ang kabuuang produksiyon sa lokal na gulay, palay at prutas.
Depensa: Oo. Kailangan nating protektahan ang ating mga border at bansa.
Ekonomiya: Hindi. Magastos ang sumabak sa gera. Mas magastos rin ang mga nasirang ari-arian pagkatapos ng isang gera.
Enerhiya: Oo. Gamit ang nuclear na enerhiya sa ating mga sasakyang pangdigma masusubakan natin ang lakas nito.
Kalikasan: Hindi. Masama sa kalikasan ng bansa. Lalong lalo na kung magkakaroon ng Nuclear na pagsabog gamit ng mga missiles ng Tsina.
Foreign Affairs: No. The country would send a strong negative message and declaring war against another.
Kalusugan: Hindi. Kaya ba ng bansa ang maraming mamatay at kaya ba ng mga hospital gamuting ang may sugat kapag may gera.
Justice: Oo.
Labor: Hindi. Mahihikayat ang mamayan na umalis sa kanilang mga trabaho para gumawa ng armas o sumali sa hukbo.
Lokal Gobyerno: Hindi. Pero nagtatanong kung ano ang gagawin ng mga mayor at governor kapag nagkagera.
DOST: Oo. Magagamit natin ang makabagong automatic rifles, heat-seeking-laser-guided missiles at nuclear pistols.
Transportation: Hindi. Walang magandang dahilan para pumasok sa gera.
Tourism: Hindi. Paano tayo makakaakit ng bagong mga turista kung delikado rito?

To: General Mao Mao Xung
Fr. Intelligence Sweeper Pux Lan Kun

Mahal na Heneral Xung,

Natagpuan namin ang sulat na ito kasama pa ng iba sa aming paghahanap ng impormasyon. Kaya pala bumagsak kaagad ang Pilipinas sa ating pagsakop. Mabuhay ang Tsina!

Katapusan ng Report

Pux Lan Kun
Intelligence Sweeper

[base sa isang maikling kuwento ni Ben Bova]