Isang blog nagbibigay kulay sa mundo ng science fiction gamit ang maiikling kuwento na kesa sa wikang Filipino o Ingles.

20050829

D.I.Y.O.S.

Kung mahirap ka pupunta ka sa kanya. Kung mayaman ka pupunta ka sa kanya. Kung wala kang trabaho pupunta ka sa kanya. Kung may sakit ka pupunta ka sa kanya. Kang may kasalanan ka pupunta ka sa kanya.

Nakasalalay lahat sa kanya. Pera, gamot, hanapbuhay, kaawan at pag-ibig. Siya ang D.I.Y.O.S. Isang tawag mo lang resolba na kaagad ang problema. Inaaprubahan ng nakakarami ang pamaaran niya. Madali, mainam, at hindi mabigat sa bulsa. Nakakataas ng katauhan, nakababa ng presyon ng dugo, nakakapag-ibig sa dalawang taong magkasalungat. Lahat ng tanong alam niya ang kasagutan. Lahat ng problema kayang lusutan. Isang tawag lang resolba na kaagad ang problema.

Nakapatay si Jake. Namamatay sa Cancer si Emma. Nalugi ang negosyo ni Lucio. Nagugutom si Botbot.

Sa madilim na eskinita sinaksak ni Jake ang humahabol sa kanya na pulis. Isa siyang kriminal. Nahuli siya na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga menor na edad. Hinabol siya ng pulis ng may sampung kanto nakapagtago siya sa likod ng bakal na basurahan. Hinintay na lumampas ang walang kamalay malay na pulis. Sinaksak sa likod ang pulis. Sinaksak ng sinaksak. Naririnig ang hiyaw ng sirena na hinid malayo kailangan na niyang makahanap ng telepono.

Sabi ng mga doktor sa ospital wala ng pag-asang gumaling si Emma sa kanyang karamdaman. Cancer sa Utak. Kahit ilang gamot na nagtagumpay na supilin ito sa mga taon ay walang dinulot na magandang resulta. Naghihintay na lang ang pamilya niya sa kahihinatnan. Mag-isa sa silid na puti at berde, tinanggal ni Emma ang mga instrumentong nakakabit sa kanya. Kinuha ang telepono sa tabi at nagsimulang magdayal.

Malakas ang kita rati ni Lucio. Nasa kanya na ang lahat ang babae, magagarang kotse, bahay at lupa. Nalikha niya kasi ang unang pangmasang hydrogas para sa mga sasakyan. Pagdating ng nuclear na enerhiya para sa mga sasakyan unti-unting nawala ang pinaghirapan niya sa isang dekada. Napilitan ibenta ang mga ari-arian para makabayad sa mga utang na hindi mabayaran. 20 Credits na lang ang load niya sa selpon isang tawag na lang.

Mahirap na bata si Botbot. Nakatira sa labas ng siyudad na nakatalukbong sa pader na hindi napapsukan ng polusyon. Isa siya sa mga naulila at pinaalis sa Walled City. Patay na ang mga magulang niya. Umaasa lang siya sa basura na itinatapon pa minsan minsan mula sa loob. Wala na kasing masyadong gumagamit ng Auto-Trash System mula ng nagkaroon ng particle remover ang bawat tahanan na siyang nagaalis ng basura at dumi. Nakapulot si Botbot ng lumang fonekard meron pa kayang lamang ito? Hindi masama kung susubukan sa natirang booth ng telepono sa labas ng siyudad.

Abot-tanaw ng kaputihan na parang nababalutan ng puting ulap, sa dulo isang gintong tarangkahan ang sumalubong kina Jake, Emma, Lucio at Botbot. Hindi magkakakilala sabay sabay silang naglakad patungo rito. Isang iskrin ang makikita sa gilid na ito. Ipatong ang kamay dito. Nauna si Jake na magpaton ng kamay. Jake Dela Roxas, 24 taong gulang, pumasok ka. Sabi ng isang mababang boses ng lalaki. Bumukas ang gintong tarangkahan at pumasok si Jake. Ganoon din ang mga sumunod na aksyon sa paglagay nina Emma, Lucio at Botbot ng kanilang palad sa iskrin. Isa isa ring pumasok sa lugar na hindi ka na makakabalik.

Sa totoong mundo. Nakalagay sa apat na magkahiwalay-walay na salaming lalagyan ang mga utak nila. Nakakabit ang libo libong puting linya sa kanilang utak. Nagbibigay ng mundo sa kabilang buhay kung saan siya nga wala ka na ng magiging problema.

Tawag na sa D.I.Y.O.S. (Salvation of Yearning Individual Denizens)

2 comments:

Anonymous said...

'Evening, Ian. I'll try reviewing this:

Frankly, I love the setting - it puts forward the point that some aspects of current life will persist despite the presence of futuristic technology. I like the plot idea as well - the idea of a divine concept brought to a tangible construct. (Pardon the pun, but that's probably as literal a Deus Ex Machina as you can probably get. Hee hee.)

My issue, however, is that for most of the narrative, it didn't feel like a story. I felt as though I was reading a socially realist essay until the closing paragraphs, although it was a very interesting essay at that. I'm guessing that this is probably due to the fact that it presents four different characters in four exclusive situations; It feels a little like you're making a logical argument by presenting examples.

Off hand, I would recommend just focusing on one character in order to make this read more like a story. I think that the work has a good narrative and a strong point, but I think that it really needs to focus on a single plotline and series of events.

Otherwise, it's a nice work. I'd really like to see this universe, somehow...

Ian said...

Thanks for the comments. I do feel it lacked something. As for the examples I just saw it like an advertisiment ploy for D.I.Y.O.S. so 4 characters came into play for that sequence.