Nagmistulang tuldok na lang ang abot-tanaw ni Dr. Julio sa lumabas na dalawang tao na maglalakbay sa Buwan. Dito sa madilim na parte ng Buwan nagdesisyon magtayo ng istasyon ang unang ekspedisyon ng Pilipinas sa buwan ng Earth. Taong 2099 ng nalikha ang pangkalawakan na sasakyang Kalapati V. Napili ang tatlong miyembro nito bago pa man magawa ang sasakyan. Si Dr. Julio isang bihasang siruhano at mediko, si Major Santina ng Hukbong Kalawakan ng Pilipinas, eksperto sa armas, pakikipaglaban at taktika at si Fr. Lasas, representate ng simbahan pangkalawakan, biolojista at ekolojista. Nagsanay lahat sila ng tatlong taon sa loob ng pasilidad ng NASA sa Amerika at bumalik para ipagtubilinan sa mga plano bago umalis.
"Major, magbigay ka ng updeyt bawat sampung minuto wala na kayo saking tanaw, alam ko naman ang kalagayan ng katawan ninyo base sa sensors sa space suits," haginit ng boses ni Dr. Julio sa radyo ni Major Santina. "Huwag kang mag-alala Dok ayos lang kami ni Father,"
sagot ni Santina.
Sa bawat yapak nina Major Santina at Fr. Lasas bumabaon ang imprinta ng kanilang talampakan. Malambot ang lupa sa Buwan, hindi nalalayo sa pagiging buhangin at matigas na putik. Sinuring mabuti nila ang abot-tanaw na nakikita. Maraming hukay sa gawing kaliwa at patag naman sa kanan. Naghiwalay sila sa punto kung saan nila nilagay ang umiilaw na bikon. "Father magkita tayo pagkatapos ng dalawang oras, mag-radyo ka palagi kung may natuklasan ko o pindutin mo ang pulang baton sa gawing kaliwa ng suit mo kung nasa panganib ka," sabi ni Santina sa radyo. "Okay, Major." sagot ni Fr. Lasas.
Apat na oras lang ang bukas na oportunidad nila para maglakbay dahil pagkatapos nito mawawala na ang sinag at init mula sa Araw magmimistulang parang yelo ang kapaligiran at mahihirapan sila huminga at makabalik sa istasyon. Naglakbay si Major Santina pakaliwa sa mga hukay o lubak ng Buwan. Magkaiba ang bawat hukay na parang ang isang ice cream na kinuhan gamit ang iskup. Kulay parang abo ang lupa, maraming iba't ibang laki ng bato at kakaibang bitak. Wala masyadong interesadong maiireport dito. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsuri ng bawat hukay at nagraradyo sa istasyon kada sampung minuto.
Patag man ang tinatahak ni Fr. Lasas, sa malayo may matatanaw na malaking butas. Maitim at pahaba nagbigay ito ng kati ng pag-uusisa. Gaya ng nakikita at tinatapakan ni Major Santina malaabo, at mabato ang teritoryo na tinatahak ni Fr. Lasas. Naobserbahan niya na sa paglapit niya sa butas lumalambot ang lupa at nagiging mas malinaw. Sumilip siya sa gilid ng butas pagdating dito. Malalim, madilim hindi lang pala ito butas isa itong bangin. Matatanaw mo ang kabilang gilid ng butas pero malayo ito. Kinuha niya at pinagana ang flashligt na may apat na uri ng ilaw. Ordinaryong dilaw na ilaw, ultraviolet, infared rays, at ang pinakabagong teknoloji na Laser Continual Beam Ray. Iniisa niya ang bawat uri. Sa ordinaryong bumbilya hindi maabot ang dulo ng ilalim ng bangin. Sa ultraviolet ilang partikulo ang nakita niya na nasa ere ngunit wala pa rin ang ilalim ng bangin. Ginamit niya ang infared na bakasaling may makuhang senyales ng buhay pero walang pagbabago. Pinihit niya ang dial at inilagay ito sa LCBR. Binaba niya ang visor ng helmet at binuksan ito. Isang nakakabulag na malinaw na puting ilaw ang lumabas dito. Umaabot ng halos 50-100 feet ang kayang pailawan ng LCBR at direktang pababa niya itong tinapat habang nasa gilid ng bangin. Malayo ang naabot ng ilaw ngunit madilim pa rin at hindi nakakatulong ang visor na may itim na tinta. Pumikit siya bago niya ito itinaas. Dahan-dahan sa pagmulat, nakita niya ang matinding sinag galing sa flashlight. May kumikinang sa ibaba. Isang repleksiyon pero paano? Pinatay niya ang flashlight sa panganib na mabulag sa tagal ng pagtingin dito. Kailangan niyang bumaba sa bangin. Gamit ang grapling hook na bumabaon sa lupa, nilabas niya ang Titanium rope at kinargahan ang maliit na oxygen-nitrogen booster pack sa likod. Iniisip niya na parang bumababa lang siya galing sa bundok ng Apo. Hinatak ng malakas ang tali at siguradong matibay ang pagkakabaon ng grapling hook.
"Dok, nagradyo na ba sa iyo si Father?" haginit ng radyo sa reciever ni Dr. Julio sa istasyon. "Hindi pa, bakit?" sagot ni Dr. Julio. "Sabi ko kasi magradyo sa kapag may interesadong siyang nakita o kung nasaan na siya," sabi ulit ni Major. "Ayon sa vitals niya, ayos naman siya, siguro nakalimutan lang niya," sagot ni Dok.
Bumaba dahan-dahan mula sa gilid ng bangin si Fr. Lasas. Hinahawakan ng mahigpit ang taling Titanium nagpadausos siya ng paunti-unti. Gamit ang pangkaraniwang flashlight at ilaw mula sa helmet kinapa niya ng mabuti ang gilid ng binababaan ng bangin. Matigas na lupa at mas maliwanag pa rin ang kulay sa malaabong ibabaw. Kaya naman siguro ng grappling hook ang kanyang bigat dahil denisenyo ito para mas mabigat pa sa kanya. 50 talampakan na ang naibaba niya. Pinihit muli sa LCBR ang flashlight at tinapat pababa. Kumikinang pa rin pero sa may bandang kaliwa niya. Lingid sa kaalaman niya lumuluwag ang grappling hook sa lambot ng lupa. Umuuga uga na ito sa bawat pagbaba ng isang talampakan ni Fr. Lasas. Sa ibaba naman patuloy si Father na nagsusuri kada sampung minuto pinpalit sa LCBR ang flashlight. Bumuwal ang grappling hook sa ibabaw, naramdaman ni Father na bumibilis ang kanyang pagbaba. Nabitawan niya ang flashlight at biglang sunggab sa lubid. Nasa panganib siya kailangan na niyang rumadyo ng tulong pero hindi niya mabitawan ang lubid at nalilito kung ano ang unang gagawin. Pinisil niya ang berdeng hibilya ng sinturon para kunin lumubas ang maliit na parang lighter at pinindot ito. Lumiyab ng kaunti ang booster pack niya sa likod sa kawalang ng oxygen sa Buwan hindi siya makakagawa ng apoy. Gamit ang sariling oxygen kaya niyang maglabas ng maliit na sagitsit mula sa booster. Magaan man ang gravity ng Buwan kesa sa Earth mabilis pa rin ang hulog ni Father. Inuunti unti niya ang pagsagitsit para hindi maubos ang sariling oxygen. Mabilis na bumababa ang grappling hook, sa pagtaas ni Father bumaba ito at sumagi sa booster niya. Nakalimutan niyang putulin ang lubid na Titanium. Sumirit ang nitrogen sa booster niya at nadala na rin siya pababa hatak ng grappling hook.
Bleep. Bleep. Nahalata ni Dr. Julio ang umiilaw na pula sa iskrin. Bumababa ang level ng nitrogen sa booster pack ni Fr. Lasas. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso at tumataas ang presyon ng dugo. "Major, nasaan ka bigla na lang nawawalan ng mabilis ng nitrogen si Fr. Lasasm" haginit nito sa radyo. "Pabalik pa lang ako sa bikon na itinayo namin dalawang oras ang makalipas." sagot ni Major. "Mukhang nasa panganib o may problema si Father puntahan mo na lang siya, dalawang oras na lang at lalamig na." paalala ni Dok sa radyo.
Sinubukang dumilat ni Fr. Lasas. Masakit ang kanyang likod, nahihirapan na siyang huminga, at halos hindi makagalaw. Sa natitirang lakas pinindot niya ang pulang baton sa kaliwa. Toot. Toot. Tumunog galing sa sinturon ni Major Santina ang maliit at parisukat na aparato. Kinuha niya ito at nakita ang pulang tuldok sa berdeng mga linya sa iskrin. 15 km ang layo ni Father kay Major at siguradong nasa panganib siya. "Dok, naglabas na ng senyales si Father kamusta ang lagay niya?" haginit ng receiver sa istasyon. "Major hindi ko na alam, nasira ata o natanggal ang vital tracker sa suit ni Father at mag madali ka na at bumababa na ang level ng oxygen niya," sagot ni Dok.
Sa mahinang ilaw galing sa helmet ni Fr. Lasas, nakita niya sa malayo ang kumikinang na repleksiyon. Nanghihina ang katawan at gustong pumunta sa direksiyon na iyon nagsimulang gumapang si Father. Sinubukan na niya ang radyo pero sira, naririnig niya ang patuloy na sirit ng nitrogen sa booster pack. Nakagapang siya ng ilang minuto pero kailangan magpahinga ng sandali. "Panginoon kung tama po ang hinala ko sa aking nakikitang repleksiyon bigyan niyo ako ng lakas para matuklasan ito." dasal na pabulong ni Fr. Lasas. Hindi nakatulong ang bumabang oxgyen sa paggapang ni Father. Patuloy pa rin sa ibabaw si Major Santina na hanapin si Fr. Lasas. Tiningnan niya ang iskrin at nakitang gumagalaw ito. Mabuting senyales ito na buhay pa si Father pero bakit pa siya gumagalaw kung alam niyang kakaunti na lang ang oxygen niya. Gumapang lang ng gumapang si Fr. Lasas. Palapit ng palapit ang kumikinang at palaki ito ng palai. Nahihirapan na siyang huminga pero wala pa rin tigil sa hangarin niya na matuklasan ang kung ano-man ang kumikinang na ito. Nawawala at bumabalik ang pagkinang minsan nandoon minsan wala. Pinipigilang pumikit sa sobrang pagod at kawalang ng oxygen hindi na niya namalayan na naabutan na niya ang maliit na bitak kung saan nangagaling ang pagkinang.
"Major, isang oras na lang mahigit ang natitira bago lumamig diyan, malapit ka na kay Father? bumalik ka na kaagad." sabi ng nag-aalalang boses sa radyo. "Dok, malapit na ako sa kanya pero kailangan ko pa atang bumaba. Nahulog siya sa bangin hindi ko nga alam kung paano pa siya nakaligtas halos hindi ko makita ang baba nito." sagot ni Major. "Paubos na ang oxygen niya baka wala na tayong magagawa, iligtas mo na ang sarili mo habang may oras pa." rekomenda ni Dok kay Major. "Dok, walang iiwanan dito sa buwan at lalong lalo na sa pamamahala ko kung mamatay din ako mas mabuting sinubukan ko siyang sagapin." galit na sagot ni Major.
Nagbaon ng dalawang grappling hook si Major sa gilid ng bangin para maghanda bumaba. Sinet sa 100 na talampakan ang atomatik depth stopper na nasa gilid ng sinturon niya. Bumaba ng mabilis si Major inaasahang buhay pa ang pari. Huminto siya sa pagbaba at may 50 talampakan pa siguro ang kanyang pinagpatuloy na manwal na binaba. Iniwan niya ang lubi na Titanium at naglagay ng bikon. Sinundan ang direksyon ng tuldok sa iskrin. Madilim at nakakahilo ang mataas na bangin kung tatanawin patingala. Inabutan niya ang pari na ang isang kamay nakasawsaw sa bitak ng lupa. "Father, father, gising po kayo," sabi ni Major habang ginagalaw ang at inuuga ang balikat ng pari. Buhay pa ang pari ngunit nawalan na siguro ng malay sa kakulangan ng oxygen. Binuhat niya si Father at bago pa man niya ito ilakad tinapalan niya ang butas sa booster pack ng pari. Nakikita niya sa malayo pa lang ang maliit na pulang ilaw na iniwan na bikon. "Dok, sumagot ka over." sabi ni Major sa radyo. Statik ang sumagot sa kanya. Masaydong malalamin sila para umabot ang pakikipagkuminakasyon. Pagkatapos ng 30 minuto umabot si Major sa mga lubid. Tiningnan niya ang digital na relo sa kaliwang wrist. 15 minuto na lang at lalamig na. Kinabit ni Major Santina ang sinturon ni Father sa lubid na Titanium. Kailangan niyang gamitin ang booster pack para mas mabilis silang makakyat. Tiningnan niya ang gage sa likod ng booster, puwede pa siguro ang ilang sagitsit bago kamaunti ang oxygen. Nilipat niya ang emergengy oxygen canister kay Father para mapanatili ang paghinga. Sa kaunting sagitsit ng booster pack nakaakyat sila ng 20 na talampakan. Unti-unti lang hanggang umabot sa 100 talampakan na ang naakyat. Tinigil na ni Major ang paggamit ng oxygen at baka siya naman ang mawalan. Nauna siyang umakyat sa gilid ng bangin. Nagsisimula na niyang maramdaman ang paglamig sa paligid. Pagdating niya sa tuktok, narinig niya ang pamilyar na boses ni Dok. "Major, sumagot ka, over," sabi ni Dok sa haginit ng radyo. "Dok, nakita at nakuha ko na si Father, lumalamig na rito hindi ko alam kung makaabot kami, lumabas ka at sunduin mo kami sa may bikon." sabi ni Major Santina na halatang pagod na pagod sa boses pa lamang. "Lumabas sa ganitong kalamigan? Hindi ako sinanay para diyan Major alam mo iyan." kabadong sagot ni Dok. "Alam ko iyon Dok, alisin mo na ang takot at sunduin kami, isa iyang utos bilang nakakataas na rango." sabi ni Major.
Hinatak pataas ni Major Santina ang halos walang buhay na katawan ni Father. Lasog-lasog sa pagbagsak mula sa mataas, higop na ang lakas sa paggapang at kumakapit na lamang sa isang dasal. Malamig na ang buong kapaligiran. Ilang minuto na lang at maaubos na ang oxygen sa canister at mawawala ang init na binibigay kanilang suit. Matatanaw ang bikon sa malayo na parang walang katupasan ang dapat lakarin. Kasama ang determinasyon na makarating sa bikon akbay akbay ang pari sa balikat nilakad ni Major Santina ang malamig na patag. Tumigas na lalo ang lupa, kulay abo pa rin ngunit mas mahirap na ang bawat hakbang. Numiminipis na ang oxygen sa loob ng kanyang helmet. Ilang minuto na siyang naglalakad at parang hindi parin lumalapit ang bikon. Dalawa na ang nakikita ng kanyang mata. Lumalabo at nanghihina. Dala-dala pa rin ang paring walang malay tinahak ni Major Santina kung hanggang saan ang kanyang makakaya.
Minulat ni Major Santina ang mga mata. Isang ilaw na maputi ang sumalubong sa kanya. Nanaginip ba siya o namatay na. "Major huwag ka munang gumalaw masyado," sabi ng boses. Buhay siya at nasa istasyon. "Dok anong nangyari," sabi ng kanyang mahinang boses sa tuyong lalamunan. "Lumabas ako at hinanap ang bikon. Pagdating ko roon wala pa kayo. Sinubukan kong magradyo kaso walang sumasagot. Akala ko patay na kayo. Sobra na ang lamig at muntikan na ako magdesido na bumalik pero sa malayo nakita ko ang mahinang ilaw. Galing ata sa helmet mo. Pinuntahan ko at nakita na pareho na kayong walang malay. Dala-dala ang dalawang punong canister ng oxygen kinabit ko ito sa inyo. Tinali ko kayo sa Titanium rope at ginamit ang atomatik depth stopper kahit alam kung gumagana lang ito pababa ito lang ang paraan. Patag naman ang lupa at lalong dumulas sa paglamig. Kaya nahila ko kaya pareho hanggang umabot tayo sa istasyon." salaysay ni Dok.
"Bago ka pa man magising, nagsasalita sa tulog si Fr. Lasas sabi niya tubig, tubig, tubig dahil sa kala ko nangagarap lang siya binigyan ko siya ng water injection para marehydrate. Habang binabalikan ko ang suit na ginamit ninyo nagtataka ako bakit nagyelo ang kanang guwantes ni Fr. Lasas. Nilagay ko ito sa incubator at nagulat ako na natunaw ang yelo at naging tubig. Sa pagkakalam ko walang tubig sa Buwan at sa siyensa hindi nagkakayelo kung walang likido. Sinuri ko sa kompyuter kung ano ang kemikal na komposisyon ng likido na natunaw. Lumabas ang H2O."
"Tubig, may tubig sa buwan." sabi ni Major Santina bago ulit bumalik sa mahimbing na tulog.
filipino science fiction